Zoren: Gusto kong makita ng mga tao na mas nagiging juicy ako, yung nagiging sariwa nang pasariwa | Bandera

Zoren: Gusto kong makita ng mga tao na mas nagiging juicy ako, yung nagiging sariwa nang pasariwa

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 07:56 AM

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

GRABE ang mga reaksyon ng Kapuso viewers sa napakasamang karakter ni Zoren Legaspi sa GMA afternoon drama series na “Apoy Sa Lingit.”

Kaloka! Talagang galit na galit sa kanya ang manonood dahil sa napakahusay at makatotohanang pagganap niya sa teleserye bilang ang taksil at manlolokong si Cesar.

Puro hate comments ang natatanggap ng mister ni Carmina Villarroel sa live streaming ng “Apoy Sa Langit” pero ayon sa aktor, hindi naman siya naba-bother about this.

“Well okay, iba kasi, yung audience natin is iba dun sa live messages, yung nakakapag-chat sila kesa kapag nakikita nila ako in person.

“I don’t get offended pag sinasabing bad si Cesar or…kasi alam mo yung mga Filipino viewers, mix iyan, so akala nila kung ano ka dun, ganun ka sa totoong buhay.

“Pero eventually now they are recognizing na magkaiba kasi kung babasahin mo yung mga chat nila at mga messages nila, you will see na meron naman silang, ‘O salbahe, salbahe’, tapos at the end, meron silang paghanga sa buong cast ng Apoy Sa Langit,” paliwanag ni Zoren sa isang panayam.

Aniya pa, “You know, ayokong magbuhat ng bangko, pero sinasabi nila maganda yung mga characters dun, nagagampanan nang tama, patindi nang patindi at magagaling na artista.

“Iyon, kasi pag nabasa ng artista yun, it’s more than winning an award! Kasi for me, ang award kasi it’s more than the trophy, it’s what the people will think about you, yung mas nakakarami. So it’s an overwhelming feeling,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)


Samantala, bago pa man daw niya simulan ang serye ay may pakiusap na siya kay Carmina, “Sabi ko sa kanya, ‘Hon, I’m not gonna call you. Hindi ako tatawag sa iyo pag nasa set because I want to concentrate, because gusto ko, meron akong ibigay na bago dito sa show.’ And I want them to see a different Zoren Legaspi as an actor.”

“Kumbaga, di ba, ang prutas pag naluluma bumubulok, natutuyo? Ang gusto kong makita nila sa akin habang nagiging beterano ako, mas nagiging juicy [ako], mas nagiging sariwa nang pasariwa. So nire-reverse ko yung process ng bunga,” paliwanag pa ng actor-TV host.

At tungkol naman sa nalalapit na pagtatapos ng “Apoy Sa Langit”, “It’s gonna end with a bang! It’s not just gonna end like, na parang nawala lang yung show, no.

“Kung nag-enjoy sila from the beginning [and] in the middle, mas mag-e-enjoy sila dito sa huli because it’s gonna end with a big bang, fireworks, etcetera.

“Kaya kaming buong cast hanggang ngayon e hindi pa kami maka-move on, dahil very attached kami hindi lang sa isa’t isa kundi sa show mismo.

“Kung ang mga character namin dito ay may transition, yung personal naming character nagkaroon din ng transition sa loob nung lock-in taping namin,” aniya pa.

Kasama rin sa cast ng “Apoy Sa Langit” sina Lianne Valentine, Maricel Laxa, Mikee Quintos, Mariz Ricketts, Carlos Siguion-Reyna at Dave Bornea.

https://bandera.inquirer.net/320026/zoren-legaspi-binuking-ang-bisita-ni-cassy-sino-itong-d-who

https://bandera.inquirer.net/312399/mikee-quintos-pasado-na-bilang-ultimate-leading-lady-tanggap-ng-fans-kahit-sino-ang-ka-loveteam

https://bandera.inquirer.net/312813/ai-ai-hindi-nagsisisi-sa-pag-uwi-ng-pinas-para-sa-raising-mamay-apoy-sa-langit-nagpasabog-agad

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/310969/andi-nagiging-sentimental-sa-mga-pagbabagong-nangyayari-sa-buhay-ni-ellie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending