Sofia Andres umaming naging pasaway din noon; na-trauma sa sistema ng showbiz | Bandera

Sofia Andres umaming naging pasaway din noon; na-trauma sa sistema ng showbiz

Alex Brosas |March 14,2023
facebook
share this

Sofia Andres umaming naging pasaway din noon; na-trauma sa sistema ng showbiz

Alex Brosas - March 14, 2023 - 07:19 AM

Sofia Andres umaming naging pasaway din noon; na-trauma sa sistema ng showbiz

Sofia Andres

AMINADO si Sofia Andres na naging pasaway siya in the past pero hindi naman grabe ang kanyang mga nagawang pagpapasaway.

But motherhood has changed her, lalo na ngayon na lumalaki na ang anak niyang si Zoe who will turn four years old.

“Yes, I admit (na naging pasaway ako). I feel po, being a mom really changed me a lot. Kasi, lahat po tayo, may pinagdadaanan,” say ni Sofia sa second set visit namin sa Cebu for “The Iron Heart” series.

“May wall po ako dati,” pag-amin ng aktres.

Aminado siyang hindi niya nasakyan ang sistema sa showbiz kaya nagkaroon siya ng wall, lalo ang judgment na ibinibigay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


“E, siguro po kasi people judge. We can’t avoid that in showbiz. Parang sabi ko, ‘I’ll just let it be.’ Nakaka-trauma po kasi,” pag-amin ni Sofia.

Baka Bet Mo: Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

Inamin din niya na mahina siya when it comes to competition, “Parang competition talaga siya, eh. Eh, mahina ako sa ganun. So nahihirapan po akong i-weigh, ‘Paano ba? Kailangan ba walang wall, o may wall? Paano ba ito?’”

When it comes to love, naging defensive ang aktres, “Kasi ang defense mechanism ko po… kasi pag nagmahal po ako, I’m very vulnerable. I’m sensitive. I give all.

“So baka masaktan lang ako. I’d rather not. Dati po iyon. Ngayon, what you see is what you get. Okay na ako. If you don’t like me, that’s okay,” paliwanag niya.

Sobrang tuwa ni Sofia na sa kanya ibinigay ang role na Nyx, isang babaeng madly in love sa character ni Jake Cuenca sa “The Iron Heart”.  Ang feeling kasi niya, since nanganak na siya ay on the way out na ang kanyang career.

“Happy po ako dahil ang Star Creatives, after I gave birth, akala ko po, malilimitahan na po ‘yung mga gagawin kong projects. Pero they still, you know, they’re still supporting me and alam nila na kaya ko.

“So, sabi ko, if may mga ganitong tao pa rin po na naniniwala sa akin, sabi ko, ‘Okay, game, let’s do it!’ I trust them po,” say niya.

Ate Vi umaming naging pasaway ding artista; may favorite na ‘excuse’ kapag ayaw mag-shooting

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending