Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo! | Bandera

Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!

Reggee Bonoan |July 04,2021
facebook
share this

Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!

Reggee Bonoan - July 04, 2021 - 02:02 PM

“MAHIRAP siyang katrabaho, grabe! Sakit siya ng ulo sa buong production!

‘Hindi malaman kung ano ang gusto. Mismong producer nakikisama sa kanya, hindi siya kawalan!”

Yan ang naghuhumiyaw na kuwento ng aming source na kasama sa isang sitcom na kasalukuyang umeere ngayon sa kilalang network.

Inirereklamo ng buong production ang aktres na sobrang pasaway to the max kaya dinisisyunan nang tsugihin siya kaysa masira ang relasyon nila ng aktor na siyang producer din ng sitcom.

Hindi raw maintindihan ng mga taong kasama sa show ang gusto ng aktres dahil pabagu-bago at kung minsan ay wala sa mood at ayaw mag-shoot.

Inisip ng iba baka may ibang nararamdaman dahil nga may karelasyon naman ito at posibleng nasa interesting stage na siya.

Kaya ang gagawin ay tatanggalin na lang siya sa sitcom pero mananatili ang karakter niya sa ibang mukha.  Sa madaling salita, pinabago kunyari ang kanyang itsura.

Kaya huwag na raw magtaka ang manonood kapag hindi na napapanood si aktres sa nasabing programa.

Sa kasalukuyan ay hindi pa sinabi ng aming source kung sino ang kapalit ng pasaway na aktres.

Hmmmm, sa totoo lang baka kasi ayaw na ng aktres magtrabaho o ayaw talaga niya ng lock-in taping kasi nga hindi niya kayang hindi makita ang kanyang dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending