Jayda Avanzado sa pagtatapos ng 'Teen Clash'

Jayda Avanzado sa pagtatapos ng ‘Teen Clash’: ‘Mami-miss ko ‘yung pagiging palaban ni Zoe…that’s something na gusto kong itawid sa sarili kong buhay’

Alex Brosas |May 26,2023
facebook
share this

Jayda Avanzado sa pagtatapos ng ‘Teen Clash’: ‘Mami-miss ko ‘yung pagiging palaban ni Zoe…that’s something na gusto kong itawid sa sarili kong buhay’

Alex Brosas - May 26, 2023 - 12:45 PM

Jayda Avanzado sa pagtatapos ng 'Teen Clash': 'Mami-miss ko ‘yung pagiging palaban ni Zoe...that’s something na gusto kong itawid sa sarili kong buhay'

PHOTO: Instagram/@jayda

Hindi pa rin nagsi-sink in kay Jayda Avanzado na magtatapos na today ang first acting series niyang “Teen Clash.”

“It’s a very surreal feeling na ngayon pa lang nagsi-sink in na talagang patapos na ‘yung ‘Teen Clash’,” sey niya sa finale presscon ng series.

Dagdag pa niya, “Pero ang masasabi ko, ‘yung takeaway ko sa project na ito ay all these memories and learnings that I am forever grateful for. I’ll carry this for the rest of my career.”

And since she’s parting ways with her Zoe character, natanong si Jayda kung ano ang mami-miss niya sa kanyang first TV role.

“Mami-miss ko ‘yung pagiging palaban niya. Mami-miss ko ‘yung mga hirit niya, kung gaano siya ka-outspoken. I think that’s something that gusto kong itawid sa sarili kong buhay.  Na ma-instill ko din sa sarili ko na ‘wag kang matakot to speak your mind and to be your own person. That’s something I’ve learned from Zoey and sana din lahat ng mga viewers ay maka-relate sila and ma-carry nila ‘yung sa mga sarili nilang buhay,” sambit niya.

Baka Bet Mo: Jayda Avanzado, Aljon Mendoza mas naging solid pa ang ‘relasyon’ bilang magka-loveteam, nag-effort para makilala pa ang isa’t isa

“Ang gusto ko sa show na ito is that they gave the freedom not just for my character but for everyone’s to express ourselves and give our own interpretation with our characters. Sobrang collaborative nila,” patuloy pa niya.

Sobrang proud si Jayda sa kanyang first TV series na pinagbidahan with Aljon Mendoza and Markus Patterson.

“I just feel so proud that my first acting project is something that gusto ko talaga ‘yung project, gusto ko talaga ‘yung characters,” lahad niya.

Ani pa niya, “Sobrang nagpapasalamat din ako sa cast, sa prod dahil inalagaan ninyo kaming lahat and with the bond that we’ve managed to form. Naniniwala ako na it’s a nice feeling na lahat ng nakatrabaho ko dito sa project nandito, hindi ito pang taping friends lang. We went through so much together. We’ve launched, we’ve cried together, napuyat kami together. We’ve felt all sorts of emotions together and nothing can ever change that.”

Sa huling dalawang episode ng “Teen Clash” sa iWantTFC ay maguguluhan ang puso ni Zoe (Jayda Avanzado) sa namumuong pag-iibigan nila ni Ice (Aljon Mendoza) at sa pangarap niyang music career kasama ang ex-crush niyang si Jude (Markus Paterson).

Muntik nang makuha ni Ice ang matamis na “oo” ni Zoe at magiging “official” na sana sila bilang magkasintahan ngunit biglang bumalik si Jude sa buhay ni Zoe. Pagkatapos kasing i-”ghost” ni Jude si Zoe, inamin na niyang may gusto siya kay Zoe at nais na rin niyang ibalik muli ang tambalan nilang ‘ZoJu’ na minahal ng music fans.

Pero kahit si Jude ang dahilan nang pagiging broken-hearted ni Zoe noon, maaaring magbago iyon at tuluyan na silang magkamabutihan dahil inaalok ang ZoJu ng isang bigating music deal sa Amerika, isang bagay na matagal nang pinapangarap ni Zoe.

Kung tatanggapin ni Zoe ang alok, kailangan niyang talikuran si Ice at ang banda nilang ‘Teen Clash,’ pati na rin ang pangarap nilang mag-champion sa “Music Jam.”

Sino kina Ice at Jude ang magwawagi sa puso ni Zoe? Pipiliin ba ni Zoe ang ZoJu kesa ang Teen Clash?

Panoorin ang huling episode ng “Teen Clash” today 8 P.M. sa iWantTFC app (iOs at Android) o website.

Related Chika:

Alex hindi mami-miss si Mikee kahit ilang linggong sasabak sa lock-in shooting

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending