Jayda Avanzado, Aljon Mendoza mas naging solid pa ang 'relasyon' bilang magka-loveteam, nag-effort para makilala pa ang isa't isa | Bandera

Jayda Avanzado, Aljon Mendoza mas naging solid pa ang ‘relasyon’ bilang magka-loveteam, nag-effort para makilala pa ang isa’t isa

Ervin Santiago |May 25,2023
facebook
share this

Jayda Avanzado, Aljon Mendoza mas naging solid pa ang ‘relasyon’ bilang magka-loveteam, nag-effort para makilala pa ang isa’t isa

Ervin Santiago - May 25, 2023 - 10:06 AM

MAS lumalim at mas naging solid pa ang relasyon nina Jayda Avanzado at Aljon Mendoza hindi lang bilang magka-loveteam on screen kundi maging sa likod ng mga camera.

Inamin ng dalawang lead stars ng youth-oriented iWantTFC digital series na “Teen Clash” na mas nakilala pa nila ang isa’t isa habang ginagawa ang kanilang programa na tumagal din ng halos pitong buwan.

Ayon kina Jayda at Aljon, hindi lang sila basta magka-loveteam o magkatrabaho kundi super close friends na rin sila ngayon dahil mas malalim na nga ang kanilang samahan dahil na rin sa dami ng pinagdaanan nila habang ginagawa ang “Teen Clash.”

Kuwento ni Aljon sa ginanap na finale presscon ng kanilang digital show, “Simula pa lang po ng Teen Clash, talagang nag-uusap na kami ni Jayda tungkol sa mga goals namin, kung ang gusto naming mangyari, so nag-effort po talaga kami na kilalanin ang isa’t isa.

“Kasi gusto namin, kapag gagawa kami ng mga eksena, is authentic yung feelings. So dahil sa pinag-uusapan namin yung about sa iba’t ibang bagay, ang dami po talagang nangyayari sa taping, sa pag-uusap namin kaya lumalabas po sa work, natural na natural po yung mga scenes namin,” sabi ni Aljon.

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong super hinangaan si Jayda sa bagong proyekto, naloka sa mga eksena: Ano ba ‘yung kiss tunay ba ‘yun o daya?

“May mga pinag-uusapan din kami about sa mga seryosong bagay aside from work and aside from loveteam. And nakita ko rin kung paano siya nag-grow as an artist, and napatunayan ko talaga kung gaano siya kabuting tao,” aniya pa.

Sabi naman ni Jayda sa kanyang leading man, “I have so much respect and admiration for him and lagi ko pong sinasabi na I really feel so blessed na nakatrabaho at naka-partner ko siya. I’ve learned so much from him.

“He’s so patient and understanding. And I’m so happy na na-witness ko rin pati yung growth niya not just sa pagiging artista but also as an individual and as a person,” dagdag pa ng anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

“I’ve seen you go through so many things and I am just so happy that I had the privilege to witness that as well. Basta sobrang proud ako sa ‘yo and thankful for having you in my life,” mensahe pa ni Jayda kay Aljon.

Samantala, napanood na kagabi ang isa sa last two pasabog na episodes ng “Teen Clash” na talaga namang I abangan at tinutukan ng mga sumusubaybay sa programa.

Sa huling bahagi ng kuwento, maguguluhan ang puso ni Zoe (Jayda) sa namumuong pag-iibigan nila ni Ice (Aljon) at sa pangarap niyang music career kasama ang ex-crush niyang si Jude (Markus Paterson).

Muntik nang makuha ni Ice ang matamis na “oo” ni Zoe at magiging “official” na sana sila bilang magkasintahan ngunit biglang bumalik si Jude sa buhay ni Zoe. Pagkatapos kasing i-“ghost” ni Jude si Zoe, inamin na niyang may gusto siya kay Zoe at nais na rin niyang ibalik muli ang tambalan nilang ZoJu na minahal ng music fans.

Pero kahit si Jude ang dahilan nang pagiging broken-hearted ni Zoe noon, maaaring magbago iyon at tuluyan na silang magkamabutihan dahil inaalok ang ZoJu ng isang bigating music deal sa Amerika, isang bagay na matagal nang pinapangarap ni Zoe.

Kung tatanggapin ni Zoe ang alok, kailangan niyang talikuran si Ice at ang banda nilang Teen Clash, pati na rin ang pangarap nilang mag-champion sa Music Jam.

Sino kina Ice at Jude ang magwawagi sa puso ni Zoe? Pipiliin ba ni Zoe ang ZoJu kesa ang Teen Clash?

Panoorin ang huling dalawang episode ng “Teen Clash” (May 24 at May 26), 8 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o website.

Related Chika:

Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: ‘Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending