Jayda Avanzado napa-yes sa 'proposal' ni Aljon Mendoza, ilang fans ng KarJon hindi maka-move on? | Bandera

Jayda Avanzado napa-yes sa ‘proposal’ ni Aljon Mendoza, ilang fans ng KarJon hindi maka-move on?

Therese Arceo |March 15,2023
facebook
share this

Jayda Avanzado napa-yes sa ‘proposal’ ni Aljon Mendoza, ilang fans ng KarJon hindi maka-move on?

Therese Arceo - March 15, 2023 - 10:29 PM

Jayda Avanzado napa-yes sa 'proposal' ni Aljon Mendoza, ilang fans ng KarJon hindi maka-move on?
ILANG araw na rin ang nakalilipas buhat nang mangyari ang “proposal” ng Kapamilya actor at dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Aljon Mendoza sa aktres na si Jayda Avanzado.

Matatandaang nitong Sabado ay nag-guest ang “Teen Clash” cast sa noontime program na “It’s Showtime” para i-promote ang iWant original series at dito nga nangyari ang surprise “proposal” ng aktor sa dalaga.

Nabanggit kasi ni Vice ang mangyayaring Star Magic Prom sa darating na March 30 at tinanong sina Aljon kung a-attend sila sa naturang event.

Sagot ng aktor, “Actually, ‘di ko pa natatanong ‘yung date ko. So Ate Vice, gusto ko i-take ‘yung opportunity na ‘to, itong chance na ‘to para itanong sa kanya.”

At dito na nga kinuha ng aktor ang teddy bear at bouquet ng flowers at bumalik sa tabi ni Jayda.

“Jayda, sabi mo ‘di ka pa nagkaka-escort talaga. Gusto ko sana ako maging first escort mo at date. Gusto ko lang tanungin sa ‘yo, will you be my prom date?” tanong ni Aljon.

Sinagot naman siya ng matamis na oo ng dalaga na ikinakilig naman ng madlang pipol.

Baka Bet Mo: Karina Bautista, Aljon Mendoza hindi maghihiwalay bilang loveteam: Marami pa kaming projects na gagawin

Ibinahagi naman ng aktor ang larawan nila ni Jayda na kuha matapos ang kanilang guesting sa “It’s Showtime”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljon Mendoza (@aljonmendozaa)

Caption niya, “Thanks for saying yes to my promposal @jayda.”

Makikitang nag-comment ng hugging emoji at purple heart emoji ang dalaga sa post ni Aljon.

Sa naturang comment ay may isang netizen na nag-comment at sinabing “Eto pala gusto ni @aljonmendozaa malaki dibdib at boobs nya at malaki bunganga nya at mahilig ka din pala sa tirang loveteam ng iba noh @jayda hahaa goodluck nlang sa partner mo budoy.”

Base sa username ng netizen ay isa itong fan ng tambalang Karina Bautista at Aljon Mendoza.

May mga mga nagtanggol naman sa dalaga at sinabing sana ay matutong rumespeto sa iba ang netizen.

“Ahh talaga ba!? Focus ka nlng sa bet mo hindi yung magsasalita ka ng against dahil lang hindi in favor sayo. Learn to respect.,” depensa ng netizen kay Jayda at Aljon.

Dagdag pa ng isa, “aha ni request ba ni jayda si @aljonmendozaa sa management its management decision lol palibhasa gusto niyo kay karina siya kahit happy na siya offcam at mas nag enjoy siya to be pair to others at hindi lang mastuck kay aljon!!!”

“Wala siyang inagaw kay karina kasi at very firts place wala nman kay karina itanong niyo na lang kay @aljonmendozaa kung kay karina siya,” hirit pa ng isa.

Wala namang pahayag sina Aljon, Jayda, at Karina sa ipinuputok ng buchi ng netizen.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga personalidad na involved sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Karina Bautista GF material para kay Aljon Mendoza: Pero sa ngayon walang ligawang nangyayari

Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: ‘Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending