Karina Bautista, Aljon Mendoza hindi maghihiwalay bilang loveteam: Marami pa kaming projects na gagawin | Bandera

Karina Bautista, Aljon Mendoza hindi maghihiwalay bilang loveteam: Marami pa kaming projects na gagawin

Ervin Santiago |September 26,2022
facebook
share this

Karina Bautista, Aljon Mendoza hindi maghihiwalay bilang loveteam: Marami pa kaming projects na gagawin

Ervin Santiago - September 26, 2022 - 09:29 AM

Aljon Mendoza at Karina Bautista

“HINDI naman kami nawala!” Yan ang ginawang paglilinaw ng Kapamilya loveteam na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza patungkol sa kanilang tambalan.

Siniguro ng dalawang bagets sa kanilang mga supporters na mananatili pa rin ang KarJon love team kahit na may ginagawa silang separate shows sa ABS-CBN.

Sa naganap na mediacon para sa  season 3 ng iWantTFC romcom series na “Hoy Love You,” sinabi nina Karina at Aljon na hindi nila kino-consider na comeback or reunion project nila ang extension ng nasabing online series.

“I don’t think na ito ang pagbabalik kasi hindi kami talaga nawala. Mas passion ko kasi ‘yung hosting kaya ako talaga nagtuluy-tuloy sa pagho-host ng ‘Bida Star’ at ‘Star Hunt’ auditions,” paliwanag ni Karina.

View this post on Instagram

A post shared by Karina Bautista (@karebautista_)


Sey naman ni Aljon, “Happy naman kami kasi nagkakaroon kami ng workmates na iba’t ibang tao. Nagkakaroon kami ng opportunity mag-grow tsaka makapag-explore. Tingnan natin, for sure, marami pa kaming projects na gagawin together.”

Nang hingan ng mensahe para sa isa’t isa unang nagsalita si Aljon, “Happy ako sa lahat ng achievements mo. Napag-uusapan namin, sabi niya talaga sobrang pangarap niya maging host. 

“Passion niya talaga ‘yun. Ngayon, nakikita ko ang dami na niyang ginagawang hosting. Happy akong nakikita ko na unti-unti mo na siyang naaabot,” aniya pa.

Mensahe naman ni Karina sa ka-loveteam, “I’ve always been proud of all your achievements in your growth as a person and in this career as an actor.

“I’m thankful na naging part ako ng journey mo. Sabay naman nating na-build ‘yung mga skills and qualities. We’ll just have to see where life takes us both,” pahayag pa ng dalaga. 

Samantala, three times the fun at kilig nga ang handog nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng iWantTFC original series na “Hoy, Love You.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) ngayong Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC. 

Karina Bautista GF material para kay Aljon Mendoza: Pero sa ngayon walang ligawang nangyayari

Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

Billy tinalikuran lahat ng bisyo para sa pamilya: Hindi na ako umiinom at naninigarilyo, nawala rin ‘yung pakikipagbarkada

Christopher de Leon: Nalulong ako sa masamang bisyo, I was taking all the drugs…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending