Joross nagpaampon sa Canada: Sa susunod muli nating pagkikita!
SUPER thankful ang versatile actor na si Joross Gamboa sa lahat ng taong nakasama at nakatrabaho niya sa shooting ng pelikulang “Hello, Love, Again.”
Halos dalawang buwan ding nag-stay sa Canada si Joross kasama ang mga lead stars ng naturang Star Cinema movie na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo at ang direktor nilang si Cathy Garcia-Sampana.
Baka Bet Mo: Joross may 3 pelikulang gustong idirek, bagay na bagay daw kina Alessandra, Angel, Judy Ann at Bea
Ang “Hello, Love, Again” ang pinakahihintay na part 2 ng blockbuster hit movie ng tambalang KathDen, ang “Hello, Love, Goodbye” na nangwasak nga ng record sa takilya ilang taon na ngayon ang nakararaan.
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram page, nag-share si Joross ng ilang litrato na kuha sa kanilang shooting kasama ang mga taong nakasama niya sa Calgary, Alberta na aniya’y naging kaibigan at pamilya na rin niya.
“Looking back sa 7 weeks kong stay sa Canada. I am truly blessed to gain new family(s)… from the cast, staff and crew sa 1st 5 weeks at sa extension kong 2 weeks.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’
“Sa lahat ng umampon at nag alaga sa ‘kin, maraming salamat! I am grateful to know you all. Sa susunod muli nating pagkikita! God bless!!!” ani Joross sa caption.
View this post on Instagram
Nauna rito, sa panayam ng ABS-CBN, ibinahagi ni Joross kung anu-ano ang mga dapat ababgan ng madlang pipol sa kuwento ng “Hello, Love, Again.”
“Kapag pinanood mo part one, pagkapanood mo part two, konektado. Parang one day difference. Nagpabalbas pa ako noon, ginawan pa paraan buhok namin. Long hair kasi ako doon, sa sobrang lapit, the day after. Kaya hinabol ko pa balbas ko,” aniya.
“Bits and pieces pa lang nakita ko sa script but maganda ‘yung story. Basta ang ganda ng pacing. Mabilis, kakapit ka talaga agad,” dugtong ng aktor.
Ang “Hello, Love, Again” ang unang pelikulang matatawag na bonggang collaboration ng Star Cinema at GMA films na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa November 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.