Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa 'Ang Probinsyano', bet makasama sa cast ng 'Batang Quiapo' | Bandera

Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan |January 28,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan - January 28, 2023 - 12:28 PM

Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa 'Ang Probinsyano', bet makasama sa cast ng 'Batang Quiapo'
SA programang “Magandang Buhay” Friday episode (kahapon) ay may post-birthday celebration ni Sharon Cuneta at inaming na nami-miss niya ang mga nakatrabaho niya sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” lalo na si Coco Martin.

Bungad ni Megastar, “It wasn’t the role na alagang-alaga ako ni Coco, it’s also the experience of having a family on the set. Ang tagal ko nang hindi napi-feel hanggang ngayon nagse-separation anxiety ako.”

Sina Julia Montes at Coco ang dalawa sa sobrang nami-miss ni Sharon sa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, kabilang din sina John Prats, Lorna Tolentino, Rosanna Roces, Angel Aquino, Direk Malu Sevilla, Jay Gonzaga at Shaina Magdayao.

“Kami talaga ‘yung naging tight,” saad ni Mega.

Ipinakita si Coco na bumati sa kanyang mommy Sharon sa katatapos na kaarawan nito kaya naman naluha ang megastar dito dahil mahal na mahal raw niya ang aktor.

“Coco anak. Isa sa pinakamasaya, pinakamagaling, pinaka-maalaga kong nakasama sa 45 years ko sa trabaho. Miss na miss na kita anak. Ang wish ko talaga maka=trabaho ka ulit,” diin ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Dagdag pa niya, “kasi bihira lang sa amin ang nag-aalaga ng ganyan na hindi lang ‘yung trabaho ang inaasikaso mo sa amin na pati kami alagang-alaga mo. Ang hirap ng pantayan ng experience mo sa show natin, mahal na mahal kita anak. Mag-iingat ka lagi dahil delikado ‘yung mga ginagawa mong eksena naalala kita, ipinagdadasal kita gusto ko lagi kang masaya. Salamat at pinili mo akong maging parte ng Probinsyano bago matapos ito.”

Nanawagan rin si Sharon na sana ay isama siya sa bagong seryeng “FPJ’s” Batang Quiapo kahit na nagtitinda lang ng kahit na ano.

“Siguro sa Batang Quiapo, kunin mo akong cast diyan anak kahit nagtitinda lang sa sari-sari store,” say ni Megastar.

Hirit naman ni Regine Velasquez, “Ako rin kahit passers by o pamilya sa Quiapo (tawanan ang lahat).”

“Ganu’n kaganda ‘yung experience ni Ate (Sharon),” sabi ni Regine at panay nga raw ang kuwento pa kung gaano siya inalagaan sa AP.

“Alagang-alaga si Aurora (karakter ni Shawie), rol e ni Mr. President (Rowell Santiago) roles namin lahat, actually,” saad ng aktres.

Lahat naman kasi ng naging guest sa mahigit na pitong taong serye ng Kapamilya network ay binibigyan ni Coco ng magagandang karakter at super alaga gaya ng kuwento ni Sharon.

“Hindi na mapapantayan ‘yung Probinsyano unless si Coco ang gumawa ng soap ko,” sambit niya.

Dagdag ni Regine, “saka ibinibigay niya ‘yung respeto na naaakma doon sa mg aka-trabaho niya kasi para sa isang artista malaking bagay ‘yun.”

Sabi rin ni Sharon, “lahat sila nagsabi nu’ng papasok ako sabi nina John Estrada, sina Rowell sabi nila ‘masaya ‘to, pamilya to, so excited ka kaagad makarating ng Ilocos.”

At dahil nagparamdam na si Sharon kay Coco na isama siya sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay posible nga kayang mapasama ang aktres? Abangan.

Related Chika:
Sharon Cuneta itinigil muna ang construction ng bahay sa Cavite: Lots of things have changed

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi ‘minumulto’ ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot…

Lovi Poe handang handa para sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’, nakipaglaro ng poolan kay Coco Martin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending