Sharon Cuneta itinigil muna ang construction ng bahay sa Cavite: Lots of things have changed | Bandera

Sharon Cuneta itinigil muna ang construction ng bahay sa Cavite: Lots of things have changed

Therese Arceo |December 22,2022
facebook
share this

Sharon Cuneta itinigil muna ang construction ng bahay sa Cavite: Lots of things have changed

Therese Arceo - December 22, 2022 - 02:20 PM

Sharon Cuneta itinigil muna ang construction ng bahay sa Cavite: Lots of things have changed

INAMIN ni Megastar Sharon Cuneta na sa ngayon ay inihinto muna niya ang pagpapagawa ng kanyang bahay sa Cavite.

Ito ay ibinahagi niya sa kanilang chikahan ng malapit na kaibigang si Dra. Aivee Teo noong bisitahin niya ito na mapapanood sa YouTube channel ng huli.

Habang nagkukwentuhan nga ay natanong ng doktora si Sharon kung kumusta na at ano na ang nangyayari sa ipinapagawang bahay.

“It’s on pause,” sagot niya bago ang malalim na buntong hininga.

Pagpapatuloy pa ni Sharon, “I’m deciding whether — lots of things changed.”

Aniya, pansamantala muna niya itong ipinapahinto pero hindi naman niya ito totally ipinapatigil.

“Pause lang, not naman stop. But it’s just a matter [of] ‘Do I want to continue pa?’ There are other places you can put your money in,” lahad ni Sharon.

Kuwento niya, talagang pinag-iisipan niyang mabuti kung paano niya iha-handle ang kanyang mga finances at investments dahil “pagod” na raw siya at nais na lamang niyang mag-enjoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

“I’m thinking that I should just enjoy na lang my money. Because I’m thinking these kids, you’re sending them to school so they can work for themselves. Why am I worrying about them?” sey pa niya.

Matatandaang 2020 nang ibandera ni Sharon sa publiko ang kanyang ipinapagawang bahay sa Cavite.

Nitong January 2022 lang rin nang ibahagi niya sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha nang bisitahin nila ito sa unang pagkakataon at nagbigay na rin siya ng ilang updates sa progress ng pagpapagawa ng bahay.

Related Chika:
Sharon Cuneta nilait-lait ng mga Koreano, latest vlog nasa South Korean news site

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta ‘pinagsabihan’ si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa

Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi ‘minumulto’ ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot…

Sharon Cuneta humingi ng dasal, apat sa pamilya positibo sa COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending