Sharon Cuneta humingi ng dasal, apat sa pamilya positibo sa COVID-19 | Bandera

Sharon Cuneta humingi ng dasal, apat sa pamilya positibo sa COVID-19

Therese Arceo |November 04,2022
facebook
share this

Sharon Cuneta humingi ng dasal, apat sa pamilya positibo sa COVID-19

Therese Arceo - November 04, 2022 - 10:26 PM

Sharon Cuneta humingi ng dasal, apat sa pamilya positibo sa COVID-19

HUMILING si Megastar Sharon Cuneta sa madlang pipol ng dasal para sa agarang paggaling ng kanyang pamilya na tinamaan ng COVID-19.

Mukhang nagkakahawaan nga sa pamamahay ng singer-actress dahil matapos siyang mag-update na malungkot ang homecoming nila matapos ang bakasyon sa Australia dahil tatlo sa kaanak niya ang nagpositibo sa COVID-19 ay nadagdagan na ito ng isa.

Matatandaang noong Martes, November 1, nang unang ibahagi ni Sharon na in isolation muna sila dahil sa tatlong taong nag-positive na hindi naman niya pinangalanan kung sino.

“Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff,” sey ng Megastar.

Nitong November 3 ng gabi, muli ngang nagbigay ng update si Sharon ukol sa kanilang lagay na ibinahagi niya sa kanyang Instagram page.

Lahad niya, “Now 4 in our family are down with Covid. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabahagi ni Sharon kung sino ang mga nagpositibo sa kanila.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at nangakong isasama ang pamilya sa kanilang mga dasal.

“Get well soon! Covid suck. I had last week. I had it really bad! Never want to experience it again,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Dear Lord please lend them your healing hands. Keep them safe.”

Labis ang panghihinayang ng actress-singer na hindi siya makakasama sa “Asap Natin To Las Vegas” dahil nga sa COVID-19.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-quarantine sina Sharon at ang kanilang buong pamilya at mga kasambahay nang dahil sa nakahahawang sakit.

Noong January 2022 kasi ay tinamaan ng COVID-19 si dating Sen. Kiko Pangilinan.

Related Chika:
Sharon Cuneta malungkot sa pag-uwi mula Australia, 3 kapamilya positibo sa COVID-19

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon, Kiko, mga anak negatibo na sa COVID: God is good even when times are bad…

Nanay, kapatid ni Geneva tinamaan din ng COVID; pamilya humiling ng dasal at tulong pinansyal

Angeli Valenciano tinamaan ng COVID; humiling ng dasal para kay Gary, 2 empleyado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending