Sharon Cuneta malungkot sa pag-uwi mula Australia, 3 kapamilya positibo sa COVID-19
FEELING sad ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos ang magpositibo sa sakit na COVID-19 ang mga kamag-anak.
Ayon sa kanyang Instagram post kahapon, November 1, ibinahagi niya na hindi happy ang kanilang pag-uwi galing sa bakasyon mula sa Australia.
“Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff,” pagbabahagi ni Sharon resulta ng COVID-19 test.
Wala namang binanggit na pangalan ang Megastar kung sino sa kanyang mga kaanak ang nagpositibo.
Marami naman ang nagkomento at nagpaabot ng kanilang dalangin para sa agarang paggaling ng pamilya nila Sharon.
“Praying BFF,” komento ni Ogie Alcasid.
“@ogiealcasid Thank you bff ko my love…So sorry i cannot be with you in ASAP in [Las] Vegas…am so upset and worried. Love you and Nana (Regine),” reply ni Sharon.
Saad naman ni Jackie Lou Blanco, “Will pray for you and the entire family Mama.”
“Be well inay @reallysharoncuneta!!! Will be praying for you and for the family!!!” sey naman ni Noel Ferrer.
View this post on Instagram
Ilan pa sa mga nag-comment ay sina Ara Mina, China Cojuanco, Beth Tamayo, at marami pang iba.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tinamaan ng nakahahawang sakit ang pamilya ni Sharon.
Matatandaang noong January lang nang magpositibo ang asawa niyang si former Sen. Kiko Pangilinan.
Kaya nga nag-isolate ang buong pamilya ni Sharon pati na rin ang mga kasama sa bahay.
Pagbabahagi niya noon, “Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on Antigen. A couple of days or so to see this morning’s PCR test results- all of ours.”
Dagdag pa niya, “We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas…Thanks so much. So not the birthday gift I expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God bless us all.”
Related Chika:
Sharon, Kiko, mga anak negatibo na sa COVID: God is good even when times are bad…
Sharon Cuneta naturukan na ng COVID-19 vaccine sa US: I just wish my kids could get it too soon
KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.