Sharon nagsalita na sa mga kumakalat na intriga, ‘umaming’ pwede n’yang iwan si Kiko para sa isang lalaki
Maraming nag-akala na kaya pumunta si Sharon Cuneta ng Los Angeles, California ay dahil gusto niya ng “alone time.” Pero may malalim palang dahilan ito.
Samu’t saring chika na ang lumutang na kaya umalis ang Megastar ay dahil sinaktan siya ng asawang si Senator Kiko Pangilinan kase may boylet siya! Nakakatawa naman ‘yung may boylet, halatang imbento na.
Anyway, sa kanyang Instagram Live ay isa-isang sinagot ni Sharon ang mga isyu. Kasama niya si Sen Kiko sa paglilinaw ng lahat.
“Gusto lang po naming linawin, alam po ng Diyos ‘yun, I’ve never used the Lord’s name in vain because I’m scared for the repercussion.
“Tsismis number 1, kaya raw ako umalis kasi sinasaktan ako ni Kiko. Mga kaibigan alam po ng Panginoong Diyos, sa awa naman po Niya mula nu’ng pagkabata ko wala naman po akong nakilala, minahal, nakasama o anupaman na nasaktan ako. Maaring sa puso pero hindi pisikal ever.
“Ang asawa ko po ni minsan ang daliri niya ay hindi dumapo sa akin. Kabilin-bilinan po ng tatay ko ‘yun na ‘the minute nasaktan ako, kunwari sampal, iwanan mo na dahil ang susunod suntok, sipa tapos bubugbugin ka na. Saka alam din ni Kiko na marunong din akong bumaril. Joke lang sweetheart ha, haha.
“Pangalawang tsismis, kaya raw niya ako sinaktan dahil ako raw ay may boyfriend na mas bata sa akin. Ang pakiusap ko lang, sana sabihin n’yo naman kung sino. Ma-cougar ako ha, haha. Maka-akyat siya sa aking asawa para humingi ng permiso na lumigaw o makipag relasyon sa akin.
“Kung sinuman ito boylet o matanda, kung si Antonio Banderas o si Keanu (Reeves) na kaisa-isa kong mahal na maari kong iwanan si Kiko,” tumatawang sabi ng Megastar.
“Ang pangatlong tsismis, buntis ako, ha, haha,” humalakhak na sabi ni Sharon at napa-susmaryosep naman si Kiko.
Sabi ng senador, “Ano ba ‘yan! ‘Yung una (tsismis) hindi kapani-paniwala, ‘yung ikalawa hindi pa rin, sa ikatlo sumusubok na baka sakaling maniwala. Ano ba ‘yan!”
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Sharon na nawawala na ang mata sa kakatawa, “Baka nakalimutan nila hindi na ako 30’s. I’m sorry kahit cute po ako 55 (years old) na po ako at ayaw na po namin ni Kiko. Okay na kami kay Miguel (bunsong anak). Sa Disneyland lang po pagod na pagod na kami.
“Remember nu’ng kumakain tayo na dinner, napag-usapan natin sabi ko, ‘hay sa wakas, natapos na natin ang Disneyland from KC (Concepcion), to Kakie, Miel and then Miguel tapos nagyakapan kami ni Kiko tapos biglang nagtinginan kami, ‘oh no may mga apo pa pala kami (soon).
“Then sabi ni Kakie and Miel, ‘don’t worry mom, if the children come you will just stay in the hotel and we will take them to the Disneyland.”
At ang isa pang dahilan kung bakit na-depress ang Megastar na labis niyang ipinagpapasalamat ang suporta ng pamilya niya dahil sa kabila ng lahat ay nasa tabi niya sila.
“Lalo nap o si Kiko, tiniis ang depression ko. Because I was coming to Hollywood to do my first Hollywood film not for any platform but for cinematic release with premieres all over produced by Steven Spielberg.
“The first all Filipino cast na I was so honored to have been chosen to be part of at ang lead star po nito ay si JoKoy (American Stand-up comedian),” kuwento ng aktres.
Nabanggit ding maraming Zoom meetings na ang naganap mula sa casting director, at iba pa. Dapat ay umalis na si Sharon noong May 18 papuntang LA dahil kinabukasan ay diretso sila ng Canada kung saan ang shooting. May 16 nagpa-swab test siya.
“I got swab from one laboratory that I cannot find in my heart to forgive because on May 17 as I was waiting for the result and have Zoom meeting with our travel coordinator (re the shooting) hanggang sa natapos ‘yung meeting and at naka-pack na kami.
“And then wala pang 5 minutes my assistant called me and said, ‘Ma’am hindi po kayo makakaalis bukas, positive po ‘yung COVID test n’yo’,” buntunghiningang kuwento ni Sharon.
Kaagad din niyang ipinaalam ito sa manager niya sa Amerika at sinabi rin nitong heartbreaking sa kanya dahil nga hindi na siya makakasama.
“Ito ang masakit after this test by that lab, which I still cannot forgive, I immediately scheduled 3 different labs to come and test me again, after that the next day another different lab, so pang-apat na then later on sa ABS- swab ulit. It’s a total of 7 swab test and all the 7 labs tested me NEGATIVE, so hindi ba naman hearbreaking ‘yun?” That’s why I was depressed,” paliwanag ng Megastar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.