Sharon Cuneta 'pinagsabihan' si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa Bandera

Sharon Cuneta ‘pinagsabihan’ si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa

Therese Arceo |November 24,2022
share this

Sharon Cuneta ‘pinagsabihan’ si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa

Therese Arceo - November 24, 2022 - 01:01 PM

Sharon Cuneta 'pinagsabihan' si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa

PABIRONG sinita ni Megastar Sharon Cuneta ang isa sa mga kambal na anak ni Carmina Villarroel na si Mavy Legaspi.

Nito kasing Miyerkules, Nobyembre 23, nang ibandera ni Ate Shawie ang kauna-unahang magazine cover ng kanyang anak na si Miel Pangilinan.

“So proud of you on having your first magazine cover SOLO, Yellie! I love you more than life itself. [three hearts emojis]” caption ni Sharon.

Ibinahagi nga rin ng Megastar ang caption ni Miel sa kanyang Instagram post.

“thank you nylon for this wonderful opportunity. I’m genuinely so thankful that you’ve given me this platform to share myself with the rest of the world [heart emoji] my younger self could have only dreamed of something like this happening,” saad ng anak ni Sharon.

“I still cant believe this is real life LMAO congrats to @mavylegaspi and @kramer.kendra as well!!!! and happy happy birthday @nylonmanila” lahad pa ni Miel.

Marami ang nagpahatid ng mensahe ng pagbati sa dalaga at nag-comment sa post ni Sharon.

Isa na nga rito si Mavy Legaspi na isa rin sa mga naging magazine cover kasama ni Miel.

“thank you so much po, ms. @reallysharoncuneta! [classic smiley emoji] wooohooo congrats @mielpangilinan!” sey ni Mavy.

Nag-reply naman si Sharon at tila nagulat sa paraan ng pagtawag sa kanya ng binata.

“@mavylegaspi Anong ‘Ms.?!!!’ Your Mama is my sister too! Ask her!? [face with two hearts emoji] And you and Cassie and I have the same birthday anak!” chika ni Megastar.

Hirit pa ni Sharon,”Thanks so much Mavy! Tell Mama I love her and miss her please! @mina_villarroel”

Hindi naman sumagot si Mavy ngunit makikitang nag-reply ang ina nitong si Carmina Villarroel.

Tila natatawa pa nga ito sa naging palitan ng usapan ng kanyang anak pati ng kanyang “Ate sis” na si Sharon.

Ani Carmina, “@reallysharoncuneta hahahahaahah. Ate sis!!!!! Yes. The twins knows. [heart emoji] I miss you too and I love you [two hearts emoji] Congrats to @mielpangilinan [clapping hands emoji]”

Kahit na ganoon ay makikita naman ang paggalang ni Mavy kay Sharon dahil kahit na alam nitong malapit sila ng kanyang ina ay hindi ito naging feeling close at ipinakita pa rin nito ang kanyang pagrespeto sa isa sa mga magagaling na aktres at singer ng bansa.

Related Chika:
Sharon Cuneta kay Miel Pangilinan: I am proud of the woman you have become

Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I’m the gay cousin!

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang ‘queer’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending