KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang 'queer' Bandera

KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang ‘queer’

Therese Arceo |June 15,2022
share this

KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang ‘queer’

Therese Arceo - June 15, 2022 - 02:29 PM

KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang 'queer'

TRENDING ngayon ang ikalawang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan matapos itong umamin bilang parte ng LGBTQ+ community kahapon, June 14.

Base sa Instagram post ni Miel ay suportado siya ng kanyang pamilya pero abangers ang madlang pipol kung ano ang magiging mensahe ni Ate Shawie at Sen. Kiko tungkol dito.

Samantala, buong-buo naman ang pagsuporta ng mga nakatatandang kapatid ni Miel na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan sa kanyang naging rebelasyon.

Sa katunayan, nagkunwari pang nagulat si Kakie sa pag-amin ng kanyang nakababatang kapatid about her true gender identity.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by miel (@mielpangilinan)

“Be who you are for your pride. Das my baby. I love you,” comment ni Kakie sa post ng kapatid.

Sey naman ni KC, “Congratulations. I’m so proud of you!!! I love you sister. I’m always going to be here for you as your ate no matter what. Happy pride!”

Maging ang mga pinsan ni Miel na sina Kiana Valenciano at Gab Pangilinan ay supportive rin sa kanya.

“Love you babyyyyyy,” comment ni Kiana.

“Love you Yells!!!!!!” saad naman ni Gab.

Si Miel ay ang ikalawang anak nina Sharon at Sen. Francis Pangilinan.

Bagamat sinabi na niya na suportado siya ng kanyang pamilya sa kanyang gender preference, nag-aabang pa rin ang madlang pipol kung ano nga ba ang magiging pahayag ni Megastar at Sen. Kiko sa pag-out nito sa publiko.

Related Chika:
Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I’m the gay cousin!

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Frankie Pangilinan sumugod sa Kakampink rally sa Comelec, binanatan si Bongbong

Raymond umaming beki para na rin sa mga biktima ng pambu-bully, diskriminasyon sa LGBTQ community

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending