Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers Bandera

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Ervin Santiago |October 05,2021
share this

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Ervin Santiago - October 05, 2021 - 08:13 AM

KC Concepcion, Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan

ISA-ISANG niresbakan ni Megastar Sharon Cuneta ang mga netizens na nangnega sa kanya matapos ibalitang nagtungo siya sa Amerika para sorpresahin ang anak na si Frankie Pangilinan.

May mga netizen kasi ang nagsabing very obvious daw na mas paborito ni Ate Shawie si Frankie kesa sa panganay niyang anak na si KC Concepcion na nasa Amerika rin ngayon.

Si KC ay anak ni Mega kay Gabby Concepcion habang si Frankie naman ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan.

Nag-extend si KC ng kanyang stay sa L.A. para ipagpatuloy din ang kanyang Gemology course na siya ring dahilan kung bakit kinailangan niyang maghanap doon ng apartment.

Ipinaalala kasi ng mga netizens kay Mega na may isa pa siyang anak na nasa Amerika kaya bakit si Frankie lang daw ang dadalawin nito? Mukhang hindi naman daw patas ang pagtingin niya sa kanyang mga anak?

Sinagot agad ng movie icon at box-office queen ang isang netizen at nagsabing, “Yes, I HEARD! I wonder how she is and what she is doing?”

May isa namang basher na ipinamukha kay Sharon na mas paborito niya si Frankie kesa kay KC dahil never daw niyang binisita noon ang dalaga habang nag-aaral ito sa Paris.

“You will visit Frankie. But have you ever visited KC when she was still studying in Paris? I guess, no! But now, will you ever visit KC there in the US? You will say that KC seems to be too far from you… she is not. 

“It is that you have your favorites. You chose Frankie over her. She feels out of place when she is with you… with your family. 

“Thank goodness that Gabby Concepcion is there, caring for her unboundlessly… because she is the first,” ang pakikialam ng netizen sa pamilya ni Sharon.

Dagdag pa nito, “You have your favorites! And seems like KC is not one. Yes, KC is independent but have you ever thought that she might be longing for your love? You will say that is distant from you, but really, the problem is not with her. It is with you!”

Diretsahan din siyang sinagot ni Mega, “Maybe try mo baligtarin. You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children.

“Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sa ‘yo,” depensa pa ng nag-iisang Megastar.

Panunupalpal pa ng OPM icon sa hater, “Sorry, but I don’t remember seeing you when kahit eardrops walang nagdo-donate kay KC noong maliit pa siya at baka hanggang nakatapos na ng college.

“You know, all her LIFE na iisa lang ang nakita kong nagpupuyat na halos sumuka na ng dugo sa kakatrabaho para lang may makain kami at mapaaral, mapagamot at mapalaki ko nang maayos ang anak, nag-alaga, nagmahal at binigay ang lahat sa kanya. Ako ‘yun,” aniya pa.

Samantala, nagkuwento rin si Sharon sa kanyang fans and supporters tungkol sa muli nilang pagkikita ni Frankie sa New York.

“I cried so much when I saw her and hugged her so tight. She slept beside me and I sang her a lullaby which I sang to her every night when she was a kid while running my fingers through her hair as we tightly hugged! I’m crazy about this kid.

“Super nakapulupot kaming mag-ina at tawa kami nang tawang nagkukuwentuhan! Miss na miss namin katawanan si Yellie at Gugie!” aniya pa na ang tinutukoy ay ang dalawa pa niyang anak na sina Miel at Miguel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending