Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I'm the gay cousin! Bandera

Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I’m the gay cousin!

Ervin Santiago |June 15,2022
share this

Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I’m the gay cousin!

Ervin Santiago - June 15, 2022 - 11:04 AM

Miel Pangilinan

MATAPANG na inamin ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ibinandera ni Miel sa buong universe sa pamamagitan ng Instagram ang kanyang tunay na pagkatao at gender identity sa gitna ng selebrasyon ng Gay Pride Month.

Kagabi, June 14, nag-post ang 17-year-old daughter ni Mega sa IG at diretsahan na ngang umamin sa tunay niyang sexual orientation, kalakip nito ang kanyang mga litrato na may hawak na rainbow flag ng LGBTQIA+ community.

Ang caption na inilagay niya sa kanyang IG post, “This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer.

“I really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender and sexual identity,” pahayag pa ni Miel.

Patuloy pa ng sister ni Frankie Pangilinan, “I know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. I’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity, and it only feels right that I post this at the point I’m in now where I’m comfortable enough in who I am and who I love and how I choose to present. It’s kind of a full circle moment for me, in a way.

“I’m also incredibly thankful that I am able to safely celebrate my identity this year, as I know there are many of people in this country that don’t have the same privilege.

“We’ve got a long way to go in terms of our fight for equality, but that is not to discredit the work and sacrifices made by queer Filipinos throughout history and in the present day, who have done so much to make our voices heard and have helped us go farther than where we were before,” lahad pa ni Miel.


Dagdag pa ng proud member ng LGBTQ community, “I’ve also got a lot to learn and understand as a newer member of the Filipino queer community, and I’m trying my best to educate myself on current situations and present issues relating to gender equality and LGBTQ+ rights in our country, and I am always open to learn as much as I can especially from other figures in our community.

“Happiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike.

“And yes i am the gay cousin,” ang mensahe pa ng anak nina Sen. Kiko at Sharon.

Bumuhos naman ang mga positive at inspiring message para kay Miel mula sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at socmed followers.

Unang-unang nag-congratulate sa pag-come out ni Miel ay ang ate niyang si Frankie na nagbiro pa sa pagsasabing nagulat daw siya sa inamin ng kapatid.

Ilan pa sa nagbigay ng suporta kay Miel ay ang BFF ni Mega na si Judy Ann Santos, ang mga pinsan niyang sina Gab at Kiana Valenciano at ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Sam Cruz.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na reaksyon ang mga magulang ni Miel na sina Sharon at Kiko.

Raymond umaming beki para na rin sa mga biktima ng pambu-bully, diskriminasyon sa LGBTQ community

Pacquiao sa isyu ng LGBTQ: Masisipag at magagaling silang mag-isip, hindi ko sila kino-condemn

Kisses Delavin payag sa pagsali ng mga transwomen sa Miss Universe?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending