Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: 'Bakit po parang inuuna ang showbiz?' Bandera

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

Therese Arceo |October 15,2022
share this

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

Therese Arceo - October 15, 2022 - 03:25 PM

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: 'Bakit po parang inuuna ang showbiz?'
LABIS ang saya ng aktres at celebrity mom na si Carmina Villarroel dahil finally ay muli na namang makukumpleto ang kanilang pamilya.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mga short videos kung saan makikita kasa-kasama niya ang asawang si Zoren Legaspi pati ang kanilang kambal na sina Cassy at Mavy.

“I’m a happy momma once again. We’re complete,” saad ni Carmina.

Pagpapatuloy niya, “Just the four of us, always and forever.”

Ngunit sa kabila ng masayang balita na muli silang nagkasama-sama at nagkaroon ng free time na mag-bonding dahil sa iba’t ibang schedule sa trabaho, may mga netizens pa rin ang hindi maiwasang mang-intriga at magtanong kay Carmina.

Isang netizen nga ang tila nag-usisa at tinanong ang aktres patungkol sa pag-aaral ng kambal.

“Ask ko lang po ha, hindi po ba nag-aral ng college sina Mavy at Cassy? Bakit po parang inuuna ang showbiz po less sa pag-aaral po. Eh to think hindi naman nila kailangan ng pera compare sa iba po.. Mas privileged nga po sila eh,” tanong ng netizen kay Carmina.

Dagdag pa nito, “Hindi po ako basher ha, nag-ask lang po ako. Kasi mostly naman po sa showbiz na royalty tulad nyo, inuuna ang school at next na lang ang showbiz.. thank u po.”

May mga netizens naman ang napataas ang kilay at napa-react sa naging komento ng kapwa nila netizen.

Anila, tila nangingialam na raw ito sa desisyon ng pamilya nina Carmina.

“Hindi po kayo nagtatanong sa lagay na yan maam. Nangingialam na po kayo hahaha. Kung magtatanong ka po wag na lang po sana dagdagan ng ‘bakit po parang inuunaang showbiz chuchuchuchu kesa sa studies chuchu’. Hindi dahil hindi n’yo nakikita na nagpopost ang mga bata about studies. Doesn’t mean they’re not prioritizing it. Again kung magtatanong, wag na lang po sanang dagdagan ng iba pang kachuchuan para di matawag na pakialamera. Nagsasabi lang rin,” mahabang litanya ng netizen.

Samantala, sinagot naman ng anak ni Carmina at Zoren na si Mavy ang katanungan ng netizen.

“Currently 4th year in college. Priority po ng magulang ko na tapusin ang studies namin,” sey ni Mavy.

Dagdag pa nito, “I’m thankful that they’re very supportive when it comes to our showbiz careers.”

Nagpasalamat naman ang netizen sa naging pagsagot ni Mavy sa katanungan niya kay Carmina.

“Thank you po Mavy for answering. I really appreciate it po. Mahal ko kayong twins eversince.. kahit nung nasa ASAP sa ABS-CBN, every time na may prod kayo ng twins napapasaya nyo po kami. Thank you po,” reply pa ng netizen.

Related Chika:
Carmina may pa-loveteam epek kina Richard at Dominic: Pero hindi naman ito hardsell na love triangle

Carmina sa kambal na anak: Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n’yo na siguro kung ano ang right and wrong

Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending