Carmina may pa-loveteam epek kina Richard at Dominic: Pero hindi naman ito hardsell na love triangle
PAGKATAPOS humataw sa ratings game at pag-usapan sa social media ang seryeng “Apoy Sa Langit” ni Zoren Legaspi, ang misis naman niyang si Carmina Villarroel ang magrereyna tuwing hapon.
Ang tinutukoy namin ay ang pinakabagong afternoon series ng GMA 7 na “Abot-Kamay Na Pangarap” na napapanood na ngayon after “Eat Bulaga”, ang kapalit nga ng “Apoy Sa Langit.”
Makakasama ni Carmina sa bago niyang programa sa GMA sina Richard Yap at Dominic Ochoa na pareho nang nakatrabaho noon ng misis ni Zoren.
“I’ve worked with both of them before so we all know each other. Pareho silang magaang katrabaho and very professional kaya maayos kami lagi sa set.
“Pero hindi naman hardsell na love triangle itong ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ kasi it focuses more on the love story between a mother na no read, no write and her daughter who is a genius naman at batambatang naging doctor. Ako ‘yung mother and my daughter is played by Jillian Ward,” paliwanag ni Carmina tungkol sa kuwento ng kanilang serye.
Dagdag pa ni Mina nang tanungin namin siya sa virtual mediacon ng show kamakailan, “Actually, for an afternoon drama, hindi ito maingay.
“Mas restrained siya but the scenes are very touching, specially the scenes between me and Jillian. Very relatable ang story kaya viewers find it touching,” aniya pa.
“Maraming twists ang story that will surely make it interesting for viewers. But through it all, ang nangingibabaw rito is that very inspirational ang message nito about following your dream.
“Kasi ang dream talaga rito ni Jillian is to be a doctor and I help push her to be able to achieve her dreams despite the many obstacles thrown her way,” patikim pa ni Carmina sa kuwento ng serye.
View this post on Instagram
Para naman kay Richard, “Nakakaiyak talaga ang kuwento ng teleseryeng ito. Maaantig talaga ang puso ng mga manonood. It’s more of a family-oriented show. Ako mismo, I’m so touched when I was watching our scenes in the show.”
Samantala, kaabang-abang din ang mga eksena ng nagbabalik-Kapuso na si Dominic Ochoa na huling napanood sa GMA 7 makalipas ang halos dalawang dekada.
“In 1996, I appeared in TGIS then napalipat ako sa kabila. At ngayon, muling nagbukas ang pintuan para sa akin dito and I’m happy about it.
“Very thankful ako na ‘yung offer nila, it came sa tamang panahon kasi katatapos ko lang ng isang show sa kabila.
“So nagpaalam naman ako sa kanila nang maayos and they approved it. It’s not a difficult decision to make dahil marami na akong nakatrabaho sa team ng GMA and ‘yun namang mga first time ko lang naka-work, it was easy to bond and relate with them, from the productionstaff to the stars.
“I felt very warm welcome and I’m really excited to work with new people, so na-relax ako agad,” lahad ni Dominic.
https://bandera.inquirer.net/323001/carmina-villarroel-ibinuking-ang-real-score-sa-pagitan-nina-cassy-at-darren
https://bandera.inquirer.net/323317/zoren-umaming-may-kakaibang-nangyari-sa-kanya-sa-taping-ng-apoy-sa-langit-wala-akong-itinago-sa-kanilang-lahat
https://bandera.inquirer.net/323149/tunay-na-relasyon-nina-darren-at-cassy-ibinandera-ni-carmina-i-really-trust-them-kaya-huwag-lang-sana-nilang-sirain
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.