Sharon Cuneta kay Miel Pangilinan: I am proud of the woman you have become Bandera

Sharon Cuneta kay Miel Pangilinan: I am proud of the woman you have become

Therese Arceo |September 03,2022
share this

Sharon Cuneta kay Miel Pangilinan: I am proud of the woman you have become

Therese Arceo - September 03, 2022 - 05:47 PM

Sharon Cuneta kay Miel Pangilinan: I am proud of the woman you have become
TALAGANG super mom ang ganap ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang bunsong anak na babaeng si Miel Pangilinan.

Matapos ang kanyang pagbibigay ng full support sa dalaga nang maglantad ito bilang miyembro ng LGBTQ+ community noong June, ngayon naman ay punung-puno ng pagmamahal ang kanyang naging mensahe para sa anak na nag-celebrate ng ika-18th birthday nito noong Biyernes, September 2.

“Happy 18th Birthday to my youngest baby girl, my third princess, Mariel Daniella Sophia,” panimula ni Sharon sa caption ng kanyang Instagram post.

Ikinuwento rin niya na si kamukha at katunog niya si Miel pero gayunpaman ay magkaibang-magkaiba sila sa napakaraming bagay.

“I am proud of the woman you have become and of the courage you have managed to gather and display to the world,” pagpapatuloy ni Sharon.

Aniya, palagi niyang mami-miss ang little Miel na hindi at ayaw mahiwalay sa kanyang ina.

“I will always miss the little girl whose world was her Mama and was always dikit to her, but as long as I know that you love me, all’s alright in my world, no matter what bad things life has and continues to throw my way every so often,” madamdamaing saad ni Sharon.

Dagdag pa niya, “I love you with all my heart, and though my heart (yet again!) breaks at you now being an adult, leaving me with no more little princesses to dote on.”

Chika pa ni Sharon, masaya siya na lumaki ang kanyang anak na alam nito kung ano ang tama sa mali at alam nito kung paano mamuhay at i-enjoy ang buhay nang hindi nananapak ng ibang tao.

“Happy 18th, Yeyie! Mama will love you forever and ever,” pagbati ni Megastar sa kanyang anak.

Pahabol pa niya, “Thank you for introducing me to the world of K-Pop and therefore adding so much life to my…jaded one? And letting me be the big kid I’ve always really just been.”

Related Chika:
Sharon Cuneta sa pag-come out ni Miel: I’m proud of my children and all my children are perfect!

KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang ‘queer’

Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I’m the gay cousin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending