Pambubuking ni Dingdong, mga lalaki nai-intimidate kay Jayda

Pambubuking ni Dingdong sa anak, mga lalaki nai-intimidate kay Jayda

Ervin Santiago - July 03, 2024 - 07:15 AM

Pambubuking ni Dingdong sa anak, mga lalaki nai-intimidate kay Jayda

Dingdong Avanzado at Jayda Avanzado

NEVER palang napag-usapan ng mag-amang Jayda at Dingdong Avanzado ang naging past relationship ng dalaga kay Darren Espanto.

Iyan ang rebelasyon ng Kapamilya young singer-actress nang muling mapag-usapan ang tungkol sa pag-amin ni Darren on national TV na naging sila noon.

Sa pagbisita ni Jayda sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa ikalawang pagkakataon, nakasama naman niya ang amang si Dingdong kung saan na-tackle nga ang past relationship ng aktres at singer at ang tungkol sa career longevity.

Baka Bet Mo: Jayda proud na ibinandera ang 1st investment ngayong 2024: ‘My own condo unit!’

Agad-agad na inalala ni Tito Boy ang panayam niya kay Darren ilang buwan na ngayon ang nakararaan kung saan buong-ningning ngang inamin ng binata na naging sila ni Jayda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


At dito nga nabanggit ni Jayda na hindi nila napag-usapan ng kanyang tatay ang tungkol sa nakaraan nila ni Darren.

“To be honest though, I don’t think I ever actually directly talked about it. Not yet. Siguro ngayon lang. Dito talaga natin mapag-uusapan. Ha-hahaha!

“But when it comes to my dad, sometimes I don’t need to tell. Eventually, we talk about it as time passes,” aniya pa.

Sa unang guesting ni Jayda sa show ng King of Talk, sinagot na niya ang tungkol dito. Paglilinaw niya sa naturang panayam, “Ito po ang masasabi ko,Tito Boy, totoo po na there was something romantic between us noong mga bata pa kami.

“But it was something I look fondly back on. Ito lang ang masasabi ko, it was a mutual understanding po,” sey ni Jayda.

Sabi naman ni Dingdong, maraming guys na nai-intimadate sa anak nila ni Jessa Zaragoza, “Boys ang mas intimidated sa kanya.

“Sa umpisa, may attempt pero after a while, they have second thoughts or chicken out because she’s got a good personality and a good head above her shoulders,” sabi ni Dingdong.

“I trust that she will choose well. Normal na you will see these boys and you will like each other. Ang sinasabi ko lang sa kanya is don’t forget her responsibilities and priorities,” dagdag pa ng OPM artist.

Baka Bet Mo: Bimby sinagot na ang tanong kung beki nga ba siya

Alam din daw ni Dingdong na ibang-iba na ang takbo ng entertainment industry ngayon kung ikukumpara noong panahon nila ni Jessa kaya naiintindihan niya ang mga nagiging desisyon ni Jayda when it comes to her career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


Pahayag naman ni Jayda, “I would say that the turnover time in the music industry now, napakabilis. Kung ano man ‘yung sikat nitong week na ito, baka iba next week.

“There’s a constant fight for relevance. But I like to play with the hand that I’m dealt with and the resources I have. I believe in sticking to your guns and what’s authentic to you. Napansin ko ang vina-value ng mga tao is authenticity,” sey ng dalagang singer.

Pagkukumpara naman ni Dingdong sa magkaibang panahon nila ng anak sa mundo ng showbiz, “Ilan lang ang platforms noon. There was only TV, radyo.

“When you go through that, mas madali in that sense. Kapag pumasok ka na sa radyo, kapag pumasok ka na sa TV, everybody’s tuned in there.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Now, ang daming pwedeng puntahan ng tao. Pwedeng sikat ka sa isang grupo, pero di ka kilala ng isang grupo sa society,” paliwanag niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending