Jayda proud na ibinandera ang 1st investment ngayong 2024: ‘My own condo unit!’
SUPER proud ang Kapamilya singer-actress na si Jayda Avanzado sa kanyang milestone ngayong nagsisimula pa lang ang taong 2024.
Sa Instagram, masaya niyang ibinandera ang ibinili niyang condominium unit kalakip ang ilang selfies habang hawak-hawak ang susi ng kanyang bagong titirhan.
“Starting the year with some fulfillment: my first big girl purchase & investment of 2024! My own condo unit,” sey niya sa caption.
Dagdag pa niya, “A lot of work to do to make it more my own but here’s to new beginnings!”
View this post on Instagram
Sa comment section, mababasa na proud na proud ang kanyang mga magulang sa kanyang latest achievement.
Si Jayda ay only child ng veteran singers na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
“We are so so proud of you anak, sa pagsusumikap mo sa trabaho at sa pag-iipon. May God bless you more! Congrats!” mensahe sa kanya ng ina.
Komento naman ng kanyang ama, “I am beyond proud. I am so thankful for all the blessings. I know the hard work you’ve put into achieving your goals in life.”
“Always remember, it’s not a sprint… It’s a marathon. Run the race well and trust God for the results. To Him be all the glory. Love you my child,” dagdag pa ni Dingdong.
Si Jayda ay kasalukuyang sinusundan ang mga yapak ng kanyang mga magulang sa mundo ng showbiz.
Ilan lamang sa mga hit single na kanyang inilabas ay ang “Happy For You” at “Coffee.”
Bukod diyan, nagkaroon na rin siya ng music collaborations kasama sina Darren Espanto at Jeremy G.
Noong nakaraang taon lamang nang sumabak sa acting career si Jayda sa seryeng “Teen Clash” kasama sina Aljon Mendoza at Markus Peterson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.