Jayda binansagang ‘Sad Girl’ ng OPM, naging emosyonal dahil kay Dingdong
PINANGATAWANAN na ng Kapamilya singer-actress na si Jayda Avanzado ang bansag sa kanya ng mga fans at netizens bilang “Sad Girl“.
Ito’y dahil na rin sa mga hugot at mapanakit niyang mga kanta na talagang tumatatak sa kanyang mga supporters, lalo na sa mga brokenhearted.
Ayon kay Jayda, okay lang sa kanya ang titulong “Sad Girl” dahil yun naman daw ang laman at nais ipahiwatig ng kanyang mga awitin na marami naman talagang nakaka-relate.
“Sad girl kasi never akong naging masaya sa mga kanta ko, laging malungkot laging may hugot pero ino-own ko ‘yun, kumbaga ine-embrace ko ang pagiging sad girl ko,” sabi ni Jayda nang mag-guest sa “It’s Showtime” recently.
View this post on Instagram
Samantala, kasama ng dalaga ang kanyang amang OPM singer-songwriter na si Dingdong Avanzado sa guesting nila sa naturang Kapamilya at Kapuso noontime show.
Ayon kay Dingdong tungkol sa pagsasama nila ng anak sa iisang stage, “Alam mo sa akin, I always enjoy it when I am performing with my daughter nakaka-proud kapag nakikita kong katabi ko siya.”
Naging emosyonal naman si Jayda nang tanungin kung anong feeling na kasama niya ang kanyang tatay habang nagpe-perform together.
Baka Bet Mo: Chad Kinis na-inspire sa ‘bakit may sad’ post ni Donnalyn, may talak sa mga single
“Siyempre parang sobrang sentimental din and parang isa siya sa mga taong kino-consider kong mentor ko hindi lang sa pagiging singer and artist kundi pati sa buhay rin,” sabi ng dalaga.
Ibinalita rin ni Jayda na sila ni Dingdong na tinaguriang The Original Prince of Pinoy Pop, ang sumulat ng latest single niyang “Right Lover, Wrong Time”, “Kasi siya ‘yung co-writer ko dito sa kantang ‘to.”
Sey naman ng veteran OPM artist at dati ring aktor, “Ikinuwento niya sa akin ang istorya, eh na-inspire ako, actually English iyan eh, pero sabi ko ‘anak mas maganda ito kung Tagalog’ kaya Tinagalog namin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.