Janella Salvador brokenhearted sa nagaganap na Israel-Palestine war: I wish there was something we could
HINDI mapigilan ng Kapamilya actress na si Janella Salvador ang maging emosyonal sa gyera na nangyayari sa pagitan ng Israel at Palestine kung saan maraming bata ang labis na naaapektuhan.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, ipinahayag niya ang kanyang nadarama kasalukuyang nagaganap sa pagitan ng dalawang bansa.
“The amount of times I’ve cried seeing all these posts about Palestinian children dying and losing loved ones,” pagbabahagi ni Janella.
Pagpapatuloy pa niya, “I just wish there was something I could do. I wish there was something we could all do besides watch their entire world crumble.”
Marami naman sa mga netizens ang nagkomento na hindi totoong walang magagawa ang aktres at pwede nitong gamitin ang kanyang social media platform upang ipakalat ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga nangyayari.
Baka Bet Mo: Janella Salvador may promise kay Baby Jude: Mama will never get tired of listening
View this post on Instagram
“you can share information and spread awareness about it. don’t settle on thinking that you “can’t” do anything. you can use your platform and rt info and fundraisers for Palestine. every voice matters at this hour,” saad ng isang netizen kay Janella.
Comment naman ng isa, “please keep speaking about it. it helps just to spread awareness and battle disinformation.”
“Janella, there is something you can do. You have 3.6M followers. You can use your platform to spread awareness,” sey pa ng isang netizen.
Kapansin-pansin na matapos ang mga natanggap na komento ay agad na sinunod ng aktres ang payo ng madlang pipol.
Makikitang ginamit ni Janella ang kanyang platform para ipaalam sa publiko ang iba’t ibang donation drives para sa mga mamamayan ng Palestine.
Marami naman sa mga netizens ang nagpakita ng paghanga sa Kapamilya actress sa pakikiisa sa mga kasalukuyang pinagdaraanan ng mga mamamayan ng Palestine.
“Respect to you, Janella. Thank you for speaking up about the atrocities being committed against the Palestine children,” sabi ng isang netizen.
Lahad pa ng isa, “I never doubted u kween mother.”
“I love this. Speak your mind we’re on your side,” hirit pa ng isa.
Matatandaang noong October 7 nang magsimula ang gyera sa pagitan ng Israel at Palestine nang magkaroong ng surpresang pag-atake ang grupo ng Hamas sa Israel.
Mula noon ay marami nang napabalitang mga biktim dahil sa away ng pagitan ng dalawang bansa.
Sa katunayan, may ilang mga Pilipino ang naitalang nasawi dahil sa pangyayari.
Ayon rin sa mga health officials sa Gaza, mahigit 9,770 Palestinians na ang namamatay sa nangyayaring gyera as of November 6.
Related Chika:
Janella Salvador naetsapwera sa cover ng 2023 Star Magic catalogue, cryptic tweet viral na: ‘Ah K…noted’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.