Janella Salvador may promise kay Baby Jude: Mama will never get tired of listening
NANGANGAKO ang aktres na si Janella Salvador na kahit anong mangyari ay hindi siya magsasawang pakinggan ang anak na si Jude.
Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang larawan ng anak kalakip ang kanyang kuwento ukol sa mga napapansin niya sa anak habang lumalaki ito.
Pagkukuwento ni Janella, habang lumalaki raw ang kanyang anak ay napapansin niya na nagiging madaldal ito at palaging maraming kuwento.
“My talkative boy. He sure has a lot to say before going to bed. He has a looot of thoughts. Nobody warns you about toddler energy levels at bedtime,” pagbabahagi ng aktres.
Ngunit kahit na gaano pa raw ito kadaldal at kahit gaano pa karaming kwento ang sambitin ng anak ay hinding hindi mapapagod si Janella na makinig rito.
“But don’t worry my love. Mama will never get tired of listening to your random thoughts, your new discoveries, new favorite words… and songs,” sabi ng aktres.
Baka Bet Mo: Janella Salvador inaming nagtampo dahil hindi kasama sa cover ng ‘Star Magic 30’: Valid naman siguro…
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa ni Janella, “[Even] after making me sing ‘Mary Had a Little Lamb’ probably about 15 times in a row, those glimmery expectant eyes and little giggles make it all worth it.”
Kalakip ng mensahe ni Janella ang nakapikit at natutulog nang si Jude.
“And now you’re off to dreamland. I hope you always have happy thoughts. I love you,” sey pa ng aktres.
Si Baby Jude ay anak ni Janella sa kanyang dating partner na si Markus Paterson.
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay maayos naman ang kanilang co-parenting set up para mapalaki nang maayos si Baby Jude.
Related Chika:
Janella Salvador naetsapwera sa cover ng 2023 Star Magic catalogue, cryptic tweet viral na: ‘Ah K…noted’
Janella Salvador super happy sa kasal nina Maja at Rambo: My parents are married!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.