Karina Bautista GF material para kay Aljon Mendoza: Pero sa ngayon walang ligawang nangyayari | Bandera

Karina Bautista GF material para kay Aljon Mendoza: Pero sa ngayon walang ligawang nangyayari

Ervin Santiago |March 01,2022
facebook
share this

Karina Bautista GF material para kay Aljon Mendoza: Pero sa ngayon walang ligawang nangyayari

Ervin Santiago - March 01, 2022 - 07:48 AM

Aljon Mendoza at Karina Bautista

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa ang Kapamilya young actor at dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate na si Aljon Mendoza sa pagsagot tungkol sa tunay na status ng relasyon nila ni Karina Bautista.

Tatlong taon na ang lumipas simula nang magkakilala sila sa “PBB” noong 2018 at hanggang ngayon nga ay solid na solid pa rin ang kanilang love team.

In fairness, talagang inabangan at tinutukan ng kanilang fans ang muli nilang pagsabak sa drama sa Feb. 26 episode ng ABS-CBN drama anthology na “Maalaala Mo Kaya.”

“I guess ever since everyday choice siya na ilaban talaga at saka gusto talaga namin ito. Actually yung mga supporters namin nag-tweet sila nung nalaman nila may may-MMK episode kami ni Karina. 

“Parang nag-look back sila nu’ng 2019 kasi nagpo-post sila na parang nagre-request sila na sana magkaroon ng MMK episode ang KarJon. So after three years nagkatotoo. 

“So parang du’n papasok sa ‘yo na may pinupuntahan itong ginagawa namin and nakaka-proud pa din at the same time. 

“And yung supporters namin hanggang ngayon nandito pa rin sila para sa amin and siyempre nakaka-excite pa rin na nagkakaroon kami ng bagong experiences at nagkakaroon kami ng mga goals na naa-achieve namin. So fight lang,” pahayag ni Aljon sa isang interview. 

View this post on Instagram

A post shared by Aljon Mendoza (@aljonmendozaa)


Ibinandera rin ng binata na totoong girlfriend material si Karina dahil habang tumatagal ay marami pa siyang nadi-discover na magagandang traits ng dalaga.

“Si Karina kasi, she makes time for you kahit gaano siya ka-busy. Kung gusto niya, gagawan niya ng paraan. Ganu’n yung sigurong love language niya. So para sa akin malaking factor yun,” pahayag ng young actor.

Pero, sabi nga ni Aljon hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon sila ng seryosong relasyon ni Karina dahil unang-una, bata pa naman sila para magseryoso sa lovelife at pumasok sa serious commitment.

“Sa ngayon walang ligawan na nangyayari. Magkaibigan lang na magkatrabaho, partner talaga. Pero if ever man, kung darating man kami doon, wala naman sigurong reason para itago siya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung mangyari eh, di mangyari. Hindi naman siguro yun makakaapekto sa kung anumang gagawin naming trabaho para sa amin. So if ever man, siguro hindi naman namin itatago. Sa ngayon, sobrang good kami ni Karina,” pahayag pa ng binata.

Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

Maine ipinagtanggol si Arjo matapos tamaan ng COVID: Marami pa kayong hindi alam sa kuwento…

Brillante Mendoza gustong ibandera ang iba’t ibang klase ng lesbian love affair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending