Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng 'sepanx' sa 'paghihiwalay' Bandera

Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’

Ervin Santiago |January 07,2022
share this

Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’

Ervin Santiago - January 07, 2022 - 12:13 PM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

INISA-ISA ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez ang mga mami-miss niya kay Paulo Avelino ngayong malapit nang matapos ang teleserye nilang “Marry Me, Marry You.”

Aminado naman sina Pau at Janine na talagang mas napalapit pa sila sa isa’t isa habang ginagawa ang programa pati na ang iba pa nilang mga kasamahan dito.

Sa katunayan, “sepanx” (separation anxiety) is real nga raw sa kanilang paghihiwa-hiwalay matapos ang ilang buwang lock-in taping.

“Mas mahirap ‘yung sepanx na nami-miss mo ‘yung fellow cast members dahil naka-bubble kami. At araw-araw naming nakikita ‘yung isa’t isa. Sabay-sabay kami kumakain,” pahayag ni Paulo sa ginanap na “Marry Me, Marry You” finale mediacon kamakailan.

Sinang-ayunan naman ni Janine ang mga hugot ni Paulo at talagang mami-miss daw niya ang mga kasamahan nila sa serye. Sa katunayan, talagang naiyak pa siya sa last taping daw nila.

“Ang mahirap talaga for me ay ‘yung ‘di mo na makikita ulit ‘yung mga mamang, mga madir mo, at ‘yung family mo. At si Papang. ‘Yun talaga ‘yung nagpaiyak sa ‘kin nung mga last tapings namin kasi grabe ‘yung samahan na nabuo namin,” sey ni Janine.

Isa raw sa siguradong hahanap-hanapin niya ngayong tapos na ang kanilang taping ay ang pagpapa-lechon ni Paulo sa set kahit walang okasyon. 

“Mami-miss ko ‘yung pa-lechon ni Pau kasi may time na palagi siya nagpapa-lechon on set kahit walang birthday. Nami-miss ko na inuunahan ko siya sa set,”  natatawang chika ng dalaga.
Ano naman ang mga paborito nilang eksena sa serye na talagang tumatak sa kanila? 

“Favorite scene ko ‘yung mga kulitan ng mag-asawa. ‘Yung mga nakakatawa nung sinu-shoot na namin ni Pau. Ginagawa ba talaga natin ‘to. ‘Yung parang may kababalaghang nangyayari sa sala tapos may pumasok na tao ta’s kailangan magtago,” sagot ni Janine.

“O ‘yung naliligo ako tapos bigla siyang papasok. ‘Yung mga eksena na ako as a viewer, hindi ko pa napapanood sa teleserye na super light, charming and sweet way,” aniya pa.

Sabi naman ni Paulo, yun din daw ang paborito niyang mga eksena sa “Marry Me, Marry You”.

Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char!

Paulo sa muling pagsabak sa lock-in taping: Pinakamahirap na part yung naho-homesick ka

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending