Noah Centineo may special appearance sa pasilip ng ‘XO, Kitty’ Season 2
BAGONG taon, bagong kilig!
Ganyan ang peg ng upcoming Season 2 ng romantic comedy series na “XO, Kitty” na muling masisilayan sa darating na January 2025.
Ang nakaka-excite pa riyan, magkakaroon ng special appearance ang American heartthrob na si Noah Centineo makalipas ang tatlong taon bilang si “Peter Kavinsky.”
Ang pagbabalik ni Noah ay kinumpirma sa pamamagitan ng inilabas na official trailer ng serye.
Mapapanood ang eksenang sorpresang nagkita sina Peter at Kitty (Anna Cathcart) sa Korean Independent School of Seoul (KISS), ang eskwelahan sa South Korea kung saan nag-aaral ang huli.
Baka Bet Mo: LIST: 4 romcom movies na magbibigay kilig sa Holiday Season
Maliban diyan, inanunsyo rin mismo ng Netflix ang cameo ni Noah sa kanilang official X (dating Twitter) page.
Sa post, makikita ang picture ng dalawa na magkayakap at mukhang masayang-masaya sa kanilang pagkikita.
“Peter Kavinsky was seen. Noah Centineo makes a special appearance in XO, Kitty Season 2! Premiering January 16,” caption sa post.
PETER KAVINSKY WAS SEEN
Noah Centineo makes a special appearance in XO, Kitty Season 2! Premiering January 16 💞 pic.twitter.com/htUZnNMX5a
— Netflix (@netflix) December 17, 2024
Hindi pa malinaw kung ano ang magiging bahagi ni Noah sa upcoming season, pero narito ang synopsis na ipinadala sa amin ng nasabing streaming platform:
“Teen matchmaker Kitty Song Covey is back in Seoul for a new semester at KISS. She’s single for the first time in a long time, and ready for a fresh start: no more meddling, no more drama. Maybe just some casual dating. Emphasis on casual. But she has more to worry about than her love life, as a letter from her mother’s past sets her on a wild journey, and new faces at KISS bring change. As secrets unravel and bonds are tested, Kitty will learn that life, family, and love are more complicated than she ever imagined.”
Para sa mga hindi aware, si Noah ay kilala sa kanyang karakter bilang “Peter Kavinsky” sa “To All the Boys” franchise, kabilang na ang “To All the Boys I’ve Loved Before” (2018), “To All the Boys: P.S. I Still Love You” (2020), at “To All the Boys: Always and Forever” (2021), pati na rin ang nabanggit na serye.
Ang “XO, Kitty” ay spinoff ng “To All the Boys” film series na nakabase sa mga nobela ni Jenny Han, na siya ring showrunner ng show.
Ang kwento ng “XO, Kitty” ay umiikot sa buhay ni Kitty Song Covey (Anna Cathcart), nakababatang kapatid ni Lara Jean Covey mula sa “To All the Boys” film series.
Ang season two ng “XO, Kitty” ay nakatakdang ipalabas sa January 16, 2025 sa Netflix.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.