Alex hindi mami-miss si Mikee kahit ilang linggong sasabak sa lock-in shooting
HINDI mami-miss ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang asawang si Mikee Morada kahit na nasa lock-in shooting na siya para sa bago niyang pelikula.
Kuwento ni Alex, ngayong buwan ay magsisimula na ang shooting ng bago niyang movie project kaya ilang linggo rin siyang hindi makakauwi sa bahay nila ni Mikee.
Pero sabi nga ni Alex, mukhang hindi naman siya tuluyang mangungulila sa asawa na naglilingkod pa rin hanggang ngayon sa Lipa City bilang councilor.
“I love this lock-in taping because dahil mahal ako ng aking brother-in-law (Paul Soriano), ang aming lock-in taping ay sa Lipa, Batangas. Kaya walang kawala si Morada. Ha-hahaha!
“So du’n kami sa Lipa so Mikee actually helped us. Makikita ko talaga asawa ko kahit paano kasi nasa Lipa din ako.
“Ever since before naman, Mikee is very supportive sa lahat ng aking career projects.
“Like yung movie namin with my sister, actually nag-lock-in kami niyan for two weeks, two and half weeks sa Nueva Ecija.
“He was supportive naman. Actually na-realize ko hindi pa kami kasal nun kaya wala rin siyang magagawa,” ang natatawa pa ring chika ni Alex sa isang panayam.
Samantala, nagbigay din ng update ang TV host-actress tungkol sa ipinatatayo nilang bahay ni Mikee, “Ang style namin is modern Mediterranean so we already have an architect, the interior designer, the contractor which is mommy Pinty.
“So, we’re just waiting kasi siyempre nagka-pandemic so medyo natagalan talaga yung mga approval. We’re just waiting for the approval of the village and after sana permit.
“So sa munisipyo yung next. Eh since nag-ECQ (enhanced commumity quarantine).nag-close yung mga offices kaya medyo natagalan pa,” pahayag pa ng sisteraka ni Toni Gonzaga.
Inamin din ni Alex sa nasabing interview na noong single pa siya ay talagang maituturing din siyang “shopaholic.” Ngunit, natuto rin naman daw siyang mag-ipon at pahalagahan ang kanyang mga kinikita.
“Deposit ko muna. Kasi mas gusto ko nakikita na may pumapasok kesa may lumalabas. So deposit muna ako.
“Kapag na-deposit ko na, tsaka ka na mag-withdraw. At least may pumasok. Hindi ko alam kung bakit ako ganu’n. Yan ang aking pag-uugali. Tapos saka ka magbibibili, saka ka magbayad ng kailangan mong gawin,” kuwento pa ni Alex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.