Sofia Andres, Daniel Miranda spotted together sa kabila ng ‘breakup rumors’ | Bandera

Sofia Andres, Daniel Miranda spotted together sa kabila ng ‘breakup rumors’

Pauline del Rosario |January 07,2023
facebook
share this

Sofia Andres, Daniel Miranda spotted together sa kabila ng ‘breakup rumors’

Pauline del Rosario - January 07, 2023 - 05:08 PM

Sofia Andres, Daniel Miranda spotted together sa kabila ng ‘breakup rumors’

PHOTO: Instagram/@danielmirandaa_

HINDI naman pala totoo ang kumakalat na chismis na hiwalay na ang aktres na si Sofia Andres sa boyfriend racer na si Daniel Miranda.

Spotted pa nga together ang dalawa kasama ang kanilang anak na si Baby Zoe.

Mismong si Sofia pa ang nag-post sa kanyang social media account.

Nitong January 6, ibinandera ng aktres sa isang Instagram post ang ilang litrato na sinamahan nila ni Daniel ang anak na magpa-dentista.

Caption pa nga ni Sofia, “Her very first visit at @gaocdental (sparkling emoji) @iamzoemiranda can’t wait for the next.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Mababasa pa namin sa comment section na tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang ilang fans nang malaman na okay pa rin ang relasyon ng couple.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin na komento:

“Ayan!!!! Ilang araw ako na stress bat kayo hindi magkasama ng new year at christmas (face holding back tears emoji) buti ngayon ok na (two hearts emoji)”

“Juskoo ilan beses nang naissue sila na nag-break kuno daw, di lang nila pinapatulan mga isyu na kumakalat.”

“Di porket wala tayong nakikitang posts nila na magkasama is matik na hiwalay na agad sila. Haha! Kaloka ang mga ferson!”

Pero bago ang post na ‘yan ay nilinaw na ni Daniel na sila pa rin ni Sofia sa pamamagitan ng kanyang IG stories.

Ibinandera pa nga niya ang litrato ng kanyang mag-ina at may caption pa itong, “Through thick and thin, I love you both very much (heart emojis)”

Nagsimula ang “breakup rumors” ng dalawa noong Disyembre dahil wala silang larawang tatlo na magkakasama noong Pasko at Bagong Taon.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sofia Andres, Daniel Miranda nagkaayos na

Daniel nagsalita na ukol sa ‘hiwalayan’ nila ni Sofia Andres

Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending