Sofia Andres, Daniel Miranda nagkaayos na | Bandera

Sofia Andres, Daniel Miranda nagkaayos na

Reggee Bonoan - January 07, 2023 - 01:40 PM

Sofia Andres, Daniel Miranda nagkaayos na

FINALLY, okay na sina Sofia Andres at Daniel Miranda ayon mismo sa source naming malapit sa aktres.

Kaya pinost na ni Sofia ang larawan ng mag-ama niya habang nakaupo sa dental chair para sa check up ni Zoe.

May tampuhan lang daw ang magulang ni Zoe nitong nagdaang Holiday seasons lalo’t hindi masyadong nagkikita sina Daniel at Sofia dahil naka-bubble ang huli para sa taping ng Iron Heart sa Cebu.

Kaya nagkaroon na ng duda ang lahat na may pinagdadaanan ang dalawa dahil wala silang larawang magkakasama noong Pasko at Bagong Taon, plus may time na in-unfollow ng aktres ang tatay ng anak sa Instagram pero kaagad ding finallow afterwards.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

“Hindi naman maiiwasan ‘yun, tampo-tampo lang hindi naman away, mahal nila ang isa’t isa. Normal naman na may pinagdadaanan. Basta ang mahalaga pagpasok ng 2023 okay na sila,” say ng kausap namin.

Ang mag-amang Daniel at Zoe ang magkasama noong Pasko at si Sofia naman ang kasama ng anak noong Bagong Taon.

Kaya nag-post si Daniel sa kanyang IG stories ng larawan ng mag-ina niya ng, “Through thick and thin, I love you both very much (two emoji hearts).”

At back to normal na ang dalawa dahil nag-bonding na ulit sila at isa na nga na sinamahan ni Daniel ang unica hija sa dentist.

Related Chika:
Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#SanaAll: Sofia Andres ipagagawa na ang dream house para sa pamilya

Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan

Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending