Anjo Yllana mag-aapela, nabigatan sa babayarang P3.5M sa TVJ

Anjo Yllana mag-aapela, nabigatan sa babayarang P3.5M sa TVJ: Meron ba akong ninakaw?

Therese Arceo - July 07, 2026 - 06:03 PM
Anjo Yllana mag-aapela, nabigatan sa babayarang P3.5M sa TVJ: Meron ba akong ninakaw?

NAGSALITA na ang dating “Eat Bulaga” host na si Anjo Yllana kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya ng TVJ Productions.

Sa naging panayam niya sa “Ogie Diaz Inspires”, aminado ang komedyante na masyadong malaki at nahihirapan sita sa hinihinging danyos ng TVJ na nagkakahalagang P3.5 million.

“Masyadong mabigat kaya nga mag-a-appeal ako,” panimula ni Anjo.

Pagpapatuloy niya, “Pakiramdam ko kasi , may pinatay ba ako? Meron ba akong ninakaw? Meron ba akong nilapastangan? Meron ba akong ni-rape? Meron ba akong binugbog?”

Baka Bet Mo: Anjo Yllana problemado sa P3.5-M danyos para sa kaso ng TVJ

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika pa ni Anjo, sinabi lang naman niya ang kanyang nararamdaman noon pero masyadong mabigat ang naging kapalit.

“Hindi nga ako nag-mura eh. Naglabas lang ako ng emotions. So baka, too harsh, masyadong mabigat yung parusa.

“Mag-uusap ulit kami ng abogado ko, hopefully makapag-appeal sa upper courts,” sabi pa ni Anjo.

Hirit pa niya, ang hinihingi raw sa kanya ay danyos sa kumpanya kaya iaapela niya ito.

Sey ni Anjo, “Although sabi nila damages sa kumpanya. So ibig-sabihin kapag sinabi mong damage sa kumpanya nalugi sila. Hindi naman nalulugi ang TVJ, so may ganun akong gusto iklaro sa upper courts.”

Nag-ugat ang kaso sa TikTok livestream niya noong nakaraang taon, kung saan inakusahan niya na may “syndicate” na umano’y kumikilos sa loob ng programa.

Ipinahayag noon ni Anjo, “Hindi ako takot sa TVJ. May sindikato sa Eat Bulaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong Hunyo 29, inatasan siya ng hukuman na magbayad ng P3.5 milyong danyos sa TVJ Productions.

Sa naging desisyon nito, kinumpirma ng hukuman na ang mga pahayag ni Anjo ay nakasira sa reputasyon ng noontime show at ng mga host nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending