Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan | Bandera

Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan

Therese Arceo |January 04,2023
facebook
share this

Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan

Therese Arceo - January 04, 2023 - 04:47 PM

Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan
SPOTTED na magkasama ang magkaibigang sina Sofia Andres at Elisse Joson habang nagba-bonding kasama ang kanilang mga baby girls na sina Zoe at Felize.

Mukhang ang kanilang pagkikita kasama ang kanilang mga anak ay early celebration ng nalalapit na kaarawan ng dating “Pinoy Big Brother” housemate.

Sa January 6 na kasi ang ika-27th birthday ni Elisse kaya marahil ay nagkita ang dalawa para i-celebrate ito.

Mukha namang deadma lang ang dalawa sa mga hiwalayan issue na parehas nilang kinasasangkutan.

Maingay ngayon ang pangalan ni Elisse matapos ang cryptic post ni McCoy de Leon sa kanyang anak na si Elisse na makikita sa Instagram.

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don’t worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” pagbabahagi ni McCoy.

Tila hirap na hirap na rin ito dahil mukhang matagal na buhat nang huli niyang nakita ang anak nila ni Elisse.

Dagdag pa ni McCoy, “Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….*hug na mahigpit*.”

Wala namang paglilinaw mula sa kampo nina McCoy at Elisse kung totoo nga ba ang balitang hiwalay na sila ngunit kapansin-pansin ang ibinahaging cryptic post ng aktres bago matapos ang 2023.

Well, maging si Sofia rin ay isa sa mga topic ng mga Marites dahil tila hiwalay na rin ito sa kanyang dyowa na si Daniel Miranda.

Tulad ni Elisse, may pa-cryptic post rin ito bago matapos ang taon at kapansin-pansin rin ang magkahiwalay nilang pagse-celebrate noong Pasko at Bagong Taon.

Sa kabila naman nito ay nananatiling tahimik ang mga ito at wala pa ring kumpirmasyon kung tuluyan na mga ba silang hiwalay sa mga ama ng kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Marahil ay inaayos pa ng mga ito ang gusot sa relasyon nila i baka nais lang talaga nila na maging lowkey at huwag nang sagutin ang tanong ng netizens para naman hindi na lumaki pa ang isyu.

Anyway, bukas naman ang BANDERA para sa mga pahayag nuna Elisse, Sofia, Daniel, at McCoy hinggil sa hiwalayan controversy na kinasasangkutan.

Related Chika:
Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending