Elisse Joson hindi kayang makita ang anak na isinisilid sa sako

Elisse Joson at Felize de Leon
HINDI keribels ng Kapamilya actress na si Elisse Joson na makitang sinasaktan at minamaltrato ang kanyang anak na si Felize kahit bilang artista lamang.
Bilang isang nanay, parang hindi niya kakayanin kapag napanood niya ang anak nila ni McCoy de Leon na isinisilid ito sa sako kahit pa sabihing parte lang ito ng trabaho.
Ito ang inamin ni Elisse sa naganap na grand mediacon ng “Saving Grace The Untold Story” matapos mapag-usapan ang ilang makabagbag-damdamin at kumukurot sa pusong eksena sa serye.
Kabilang na nga rito ang ginawang eksena ng napakagaling na child actress na si Zia Grace kung saan kinailangang isilid sa kaso ang bata.
Baka Bet Mo: Elisse Joson umaming nagkabalikan na sila ni McCoy, wala pang planong magpakasal pero gusto pa ng 1 anak
Natanong ang cast kung ano ang mararamdaman nila kapag isinilid sa sako ang mga anak nila tulad ng ginawa sa karakter ni Zia.
“Naalala ko lang kay Zia noong pinapanood ko ‘yon, parang ang sabi ko, hindi ko yata kayang si Felize gawin ‘yon even as work lang, yung maging batang artistang ganu’n,” ang pag-amin ni Elisse.
View this post on Instagram
Kaya naman bilib na bilib daw si Elisse kay Zia pati na sa mga parents nito na talagang pumayag na gawin ng anak nila ang nasabing role na super hirap gawin para sa isang bata.
“Si Zia, she’s enjoying what she’s doing and I’m happy that she is. Pero sa sariling anak ko, sana hindi niya gustuhin. Kasi kahit hindi totoo, ang hirap makita na ganu’n ang eksena,” sabi pa ni Elisse.
In fairness, gabi-gabing pinaiiyak ng “Saving Grace” ang mga manonood dahil sa mga tagos sa pusong eksena nina Elisse, Sharon Cuneta, Janice de Belen, Julia Montes, Sam Milby at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.