Elisse Joson umaming nagkabalikan na sila ni McCoy, wala pang planong magpakasal pero gusto pa ng 1 anak | Bandera

Elisse Joson umaming nagkabalikan na sila ni McCoy, wala pang planong magpakasal pero gusto pa ng 1 anak

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Elisse Joson umaming nagkabalikan na sila ni McCoy, wala pang planong magpakasal pero gusto pa ng 1 anak

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 03:29 PM

Elisse Joson umaming nagkabalikan na sila ni McCoy, wala pang planong magpakasal pero gusto pa ng 1 anak

Elisse Joson, McCoy de Leon at Felize de Leon

PROUD na ibinandera ng Kapamilya actress na si Elisse Joson na nalampasan nila ng kanyang partner na si McCoy de Leon ang mga dumating na pagsubok sa kanilang pagsasama.

Okay na okay na raw sila ngayon ng aktor after nilang maghiwalay nang ilang buwan dahil sa ilang personal na rason na ayaw na niyang idetalye pa sa madlang pipol para na rin sa ikatatahimik ng lahat.

Ayon kay Elisse, masasabi niyang mas tumatag pa ang kanilang relasyon ngayon matapos pagdaanan ang kanilang naging problema bilang live-in partners.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakachikahan ng BANDERA ang “Dirty Linen” star kagabi sa announcement ng mga pasabog na projects at events ng Star Magic ngayong papasok na buwan ng Mayo.

Diretsahan namin siyang tinanong kung nagkabalikan na nga ba sila ni McCoy, “We’re happy. I think in any kind of relationship, you’re gonna have to stumble on a few roadblocks. And marami pang dadating na mas mahirap sa’min. So, I think we’re happy na.”

Baka Bet Mo: Coco Martin, Julia Montes kabilang sa mga ninong at ninang ni Baby Felize

Sundot na tanong namin kay Elisse kung niligawan ba siya uli ni McCoy para makuha uli ang kanyang trust and respect pagkatapos silang mag-break pansamantala.

“Sabi ko sa kanya, huwag niyang kalimutan ‘yung sweetness and pagiging present sa amin kahit wala naman kaming pinag-awayan.

“Araw-araw, ipinapakita naman niya that what we have is worth it. Bukod sa schedules namin, it’s a joint effort in keeping the family alive and together. Kasi it’s an effort between two people,” paliwanag pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Sa tanong kung mas lalo bang tumatag at naging solid ang kanilang relasyon, “Yes, I think so. Sa totoo lang.”

Natanong din si Elisse kung paano niya ilalarawan si McCoy bilang tatay ni Felize, “McCoy is very hands-on. He likes to be always present in our family, especially when it comes to keeping us whole.

“Pagdating naman sa work as a parent, siya naman ‘yung very active part of things, like playing with Felize, taking her out. Maswerte po kami kay Felize kasi dire-diretso ang tulog niya, never kaming napuyat dahil sa kanya.

“Kapag meron akong work, siya ang nag-aalaga kay Felize. Kapag siya naman ang may work, ako naman. Pero kapag wala kaming choice, sinasama ko si Felize sa trabaho,” pag-amin pa niya.

Tungkol naman sa pagpapakasal, wala pa raw ito sa top priorities nila ngayon, “We’re doing it step-by-step. We’re focusing on our own house, our own property, para stable.

“Kaya, okay lang kahit (hindi muna kami magpakasal) kasi magiging expensive ang kalalabasan niya.

“Even though we’re both blessed to have work, mas pina-prioritize po namin ang needs ng family which are everyday expenses, stable place to stay, stable family, and stable relationship with each other,” pahayag pa ni Elisse.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin pa ng celebrity mom na may plano rin sila ni McCoy na bigyan ng kapatid si Felize, “Meron naman pong plans but we’re really enjoying our time with Felize now because special talagang bata si Felize sa aming dalawa.”

Samantala, isa si Elisse sa mga Kapamilya stars na makakasama sa Star MAMAgic Day event to give a special tribute for Mother’s Day celebration on May 10.

“This is a special Mother’s Day treat for all Star Magic mamas. As we all know, bukod sa pagiging artista, marami sa amin are also moms, and sometimes it can really be overwhelming,” sabi ni Elisse.

Ka-join din ang mga celebrity moms na sina Jolina Magdangal, Vina Morales, Dimples Romana at Janella Salvador kasama ang kani-kanilang mga dyinakis.

Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending