Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka! | Bandera

Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!

Ervin Santiago |December 02,2021
facebook
share this

Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!

Ervin Santiago - December 02, 2021 - 08:07 AM

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize

“ANG daming questions sa utak ko but at that point, mas nangibabaw talaga ’yung saya!” 

Ito ang pahayag ng Kapamilya actress na si Elisse Joson nang malaman niyang buntis siya sa panganay nila ng kanyang boyfriend na si McCoy de Leon.

Ayon sa celebrity mommy, napakaraming tanong ang biglang pumasok sa kanyang isip nu’ng makumpirma niyang tatlong buwan na siyang buntis ngunit mas lamang pa rin yung excitement at kaligayahan.

“Hindi ako masyadong nag-worry at that time. Basta nu’ng nalaman ko lang, I knew it was a positive feeling for me,” pahayag ni Elisse sa panayam sa kanya ng Metro habang binabalikan ang pagbubuntis niya kay Felize McKenzie.

Hindi raw si McCoy ang una niyang sinabihan na pregnant siya kundi ang kanyang pinsan, “After that tinawagan ko na siya (McCoy) and I told him the news. And parang siya rin, ’yung reaction niya nu’ng una, paulit-ulit niyang tinatanong, ‘Talaga? Talaga?’ 

“Pero ’yung rinig ko sa boses niya that time, it was also a positive and happy tone. Hindi ko naramdaman na ayaw niya or merong hesitation sa boses pa lang niya,” sabi ng aktres.

“And malaking bagay ’yun for me kasi it’s my first time and it’s a surprise to me, so ’yung marining mo ’yun sa partner mo, parang nakakawala ng, kumbaga, kung anuman ’yung ibang nararamdaman ko at that time other than joy, nawala ’yun,” aniya pa.

Sumunod naman daw niyang sinabihan ay ang kanyang nanay, “Nawalan ako ng bigat sa shoulders ko nu’ng nasabi ko na sa kanya. At least, I told her already and ’yun na ’yun. We just had to move forward and deal with what was happening to me back then.”

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Samantala, ibinahagi rin ng aktres na hindi siya pinahirapan ni Felize nang bonggang-bongga noong nasa tiyan pa niya ang anak, “Hindi ako nag-morning sickness. Hindi ako nagkaroon ng intense cravings. Hindi ako naghahanap sa mga tao na gusto ko nito, bili mo ako nito. Walang ganu’n. Walang hilo. Walang suka.

“It was as if she was helping me, na parang sabi niya siguro stressful times that time because I didn’t know how to deal with things work-wise. ‘Saan kami mag-stay?’ ’Yung mga ganu’ng unang questions sa mind ko. Parang tinulungan niya ako nu’n kahit na nasa tiyan ko pa lang siya kasi nga hindi niya ako binigyan ng hirap,” kuwento ng first-time mom.

Dagdag pa ni Elisse, “Hindi ako in pain na ’yung mga naririnig kong kuwento from other moms, ’yung pinagdaanan nila. Sa akin naman, siyempre nahirapan din ako. Iba rin ’yung feeling pero hindi siya ’yung sobrang hirap na hirap. It was tolerable for me and I actually enjoyed the process.” 

Isinilang si Felize sa Amerika nitong nagdaang April 10 pero last October lamang nila isinapubliko ang tungkol dito sa isang episode ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, sa loob din ng Bahay ni Kuya nagsimula ang love story nina Elisse at McCoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending