Elisse Joson, McCoy de Leon pinakilig nang bongga ang McLisse fans sa 'date photo': 'Happy life na uli' | Bandera

Elisse Joson, McCoy de Leon pinakilig nang bongga ang McLisse fans sa ‘date photo’: ‘Happy life na uli’

Ervin Santiago |March 27,2023
facebook
share this

Elisse Joson, McCoy de Leon pinakilig nang bongga ang McLisse fans sa ‘date photo’: ‘Happy life na uli’

Ervin Santiago - March 27, 2023 - 07:53 PM

Elisse Joson, McCoy de Leon pinakilig nang bongga ang McLisse fans sa 'date photo': 'Happy life na uli'

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Feline

TUWANG-TUWA ang loyal McLisse fans nang makita ang latest Instagram post ni Elisse Joson kung saan kasama niya ang kanyang partner in life na si McCoy de Leon.

For the first time, makalipas ang ilang buwan, nagbahagi si Elisse ng bagong litrato nila ni McCoy sa IG na may short caption na, “My date.”

Ang nasabing picture ay kuha sa kasal ng sikat na influencer na si Verniece Enciso-Dichaves. May litrato rin ang celebrity couple kasama ang mga kaibigan nilang ikinasal.

Kilig na kilig naman ang McLisse fans nang makita ang sweet photo ng kanilang mga idol. Nagkakaisa sila sa pagsasabing, “happy wife, happy life” na naman ang aktres dahil sa pagbabalikan nila ni McCoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


In fairness, talagang love na love ni Elisse ang tatay ng kanyang anak na si Baby Felize dahil binigya pa rin niya ito ng second chance.

Baka Bet Mo: Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Matatandaang kinumpirma ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse matapos ang guesting niya sa “ASAP Natin ‘To” noong February 5, 2023.

Ang sagot naman niya sa tanong tungkol sa pagbabalikan nila ni Elisse, talagang isinaalang-alang nila ang kanilang anak na si Felize.

“Siguro naman, sa pagiging tatay na parang yun naman laging hinahangad para mapasaya yung pamilya,” sey ng aktor

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Ayon kay Elisse, “online miscommunication” ang rason kung bakit sila nagkaproblema ni McCoy, paglilinaw naman ng aktor dito, “Siguro hindi ko ma-specific na…basta yun ang maibibigay ko. Kumbaga, masaya kami kung ano yung estado ko sa buhay.”

Sabi ni McCoy sa isang post noong kasagsagan ng isyu sa breakup nila ni Elisse, “Wala pong involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.

“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat ng problema kaya po ako sumuko.”

“Sana maintindihan niyo po ako. Ginagawa ko lang po to dahil mapakita ko lang sa anak ko na naipagtanggol kahit pa paano sarili ko. Uulitin ko po humihingi rin po ako ng pasensya sa inyo lahat.”

McCoy bawal makipaghalikan at makipag-love scene sa pelikula, hirit ni Elisse: Selosa kasi ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elisse may bagong nadiskubre kay McCoy; McLisse may matinding sakripisyo para kay Baby Felize

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending