Elisse Joson ibinandera ang natanggap na ‘best birthday gift’ | Bandera

Elisse Joson ibinandera ang natanggap na ‘best birthday gift’

Pauline del Rosario - January 09, 2023 - 02:16 PM
Elisse Joson ibinandera ang natanggap na ‘best birthday gift’

PHOTO: Instagram/@elissejosonn

NAGING extra special ang pagdiriwang ng 27th birthday ng aktres na si Elisse Joson sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanyang partner na si McCoy de Leon.

Bukod kasi sa masayang bonding nila ng kanyang anak na si Baby Felize at pamilya sa Hong Kong Disneyland ay ibinandera rin niya sa social media ang sinasabi niyang “best gift” na natanggap niya.

Makikita sa isang Instagram post ng actress ang ilang video na kumakanta ng “Happy Birthday” ang anak, pati na rin ang sorpresang birthday salubong na ginawa ng kanyang ina para sa kanya.

Caption pa nga ni Elisse sa IG post, “Best gift from my angel and family (cake emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Bumuhos naman ang pagbati sa aktres at napa-comment sa kanyang post ang ilang sikat na artista.

Kabilang na riyan sina Kristel Fulgar, Louise delos Reyes, Angeline Quinto, Ruffa Gutierrez, Yam Concepcion, Carla Abellana, Vina Morales, Janine Gutierrez, Mariel Padilla, Melai Cantiveros, at marami pang iba.

Sa hiwalay na IG post naman ay lubos na pinasalamatan ni Elisse ang mga nakaalala sa kanyang kaarawan.

Sey niya sa post, “Thank you for the birthday love, grateful for all of you (white heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Recently lamang ay tuluyan na ngang inamin ni McCoy na nag-break na sila ni Elisse.

Ang rebelasyon ay ginawa ng aktor sa pamamagitan ng isang Instagram story matapos kumalat sa social media ang larawan niya kasama ang social media influencer na si Mary Joy Santiago.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elisse Joson umaming hindi pa talaga handang magpakasal si McCoy de Leon; sino nga ba ang may kasalanan sa hiwalayan?

Elisse Joson nagger nga ba kaya hiniwalayan ni McCoy de Leon?

Elisse Joson sinagot ang ‘I don’t wanna wait’ hugot ni Mary Joy Santiago: ‘Self respect is power!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending