Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang? | Bandera

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Reggee Bonoan |March 08,2022
facebook
share this

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Reggee Bonoan - March 08, 2022 - 06:29 PM

Elisse Joson at McCoy de Leon

ANG kontrobersyal na post nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang isa sa topic nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang “Showbiz Update” YouTube channel na uploaded ngayong araw, Martes, March 8, kasama si Tita Jegs.

Nasulat na rin namin dito sa BANDERA ang nasabing posts ng McLisse at payo ng kanilang supporters na huwag silang bibitaw at anuman ang problema ay pag-usapan nila.

Pero may mga nabasa rin kami na baka promo ito ng bagong ieendorso nilang diaper at gamot ng dalawa.

Ito rin pala ang paniniwala ni Ogie dahil halos pareho ang tema ng post nina McCoy at Elisse.

Ito ang post ng aktres, “Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil ‘yung paghihirap namin ni baby.”

Na sinagot naman ng aktor ng, “Maya’t maya akong nagche-check para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.”

Ayon kay Ogie, “Feeling ko lang promo. Kasi parang ganito rin ‘yung nangyari kay Parokya ni Edgar saka ng jowa niyang si Neri Naig saka si Chito Miranda.  ‘Yung sagutan sila.”

Hirit ni Mama Loi, “Akala mo maghihiwalay na?”

“Oo, ‘yun pala mayroon lang silang pino-promote na produkto kasi magkasunod.

“Tapos sabi pa ni McCoy na lahat gagawin ko para maproteksyunan ko kayo ni baby. Tapos ‘yung isa (Elisse) naman babad sa something. Feeling ko meron promo na nagaganap dito.

“E abangan na lang natin. Puwede rin naman akong mali, puwede rin naman sa totoong buhay ay may problema talaga sila pero ang lakas talaga ng kutob ko, Loi, promo ‘to,” diin ni Ogie.

Say naman ni Mama Loi, “Kung ako fan na fan ng dalawa? Feeling ko, sana nga promo at hindi problema at sana nga totoo ‘yang sinasabi mo (kay Ogie).”

“Alam ko nagmamahalan ‘yung dalawa at kakatapos lang ng binyag,” sambit ng vlogger cum talent managet.

Dagdag pa, “Anyway, abangan po natin baka po mali kami.  At kung may problema man sina McCoy at Elisse, anong problema n’yo Elisse, McCoy hindi ‘yung ganito na nanghuhula kami!  O, basta, sana ‘yung naisip naming promo lang ‘yan.”

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


* * *

Nakumpleto na ang Adult Kumunity Final 5 ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” na sina Nathan Juane, Michael Ver Comaling, Seham Daghlas, Isabel Laohoo, at Zach Guerrero. 

Ito ay matapos ma-evict nina Laziz Rustamov at Raf Juane na nakakuha ng 4.42 percent votes at 6.17 percent votes mula sa combined text at Kumu votes, habang 26.68 percent votes ang nakuha ni Zach at 52.21 percent votes naman kay Isabel. 

Unang nakapasok sina Nathan at Michael sa Final 5 matapos nilang piliin na tapusin ang task ni Kuya na i-shoot ang pingpong ball sa isang obstacle. Nakuha naman ni Seham ang slot niya nang pinakahuling nakahulog ng bola sa kanilang task para sa automatic slot sa Final 5. 

Abangan ang kanilang haharapin pang mga hamon para sa pagkakataong maging Big Winner ng “PBB Kumunity Season 10” kalaban ang Celebrity Kumunity Top 2 na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion mula sa Celebrity Edition at ang mga mananalo sa Teen Edition. 

Ngayong linggo, sisimulan namang ipakilala ang mga teen housemate na papasok sa Bahay ni Kuya ngayong linggo sa pagsisimula ng Teen Edition kasama ang pamilya ni Kuya sa pangunguna nina Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee at Melai Cantiveros. 

Tumaas din ang tensyon sa bahay ni Kuya dahil sa pag-arte ng houseplayer na sina Marky Miranda at Jannene Nidoy na palabasin ang totoong mga ugali ng natitirang housemates. 

Kinagiliwan ito ng netizens dahil nakita umano nila kung sino ang mga nagpapakatotoo. Hinangaan din si Marky sa kanyang husay sa pag-arte, kaya naman naipanalo nila ang task.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tagumpay din ang adult housemates sa kanilang stand up task, kung saan kailangang nakatayo lang sila sa kahit anong gagawin para sa weekly task.

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending