Daniel nagsalita na ukol sa 'hiwalayan' nila ni Sofia Andres | Bandera

Daniel nagsalita na ukol sa ‘hiwalayan’ nila ni Sofia Andres

Reggee Bonoan - January 06, 2023 - 01:07 PM

Daniel nagsalita na ukol sa 'hiwalayan' nila ni Sofia Andres
SI McCoy De Leon ba ang naging inspirasyon ni Daniel Miranda, boyfriend at tatay ng anak ni Sofia Andres na si Zoe?

Sa Instagram stories niya kasi nagpahiwatig itong hiwalay sila ni Sofia by posting pictures of his mag-ina na ang caption ay, “Through thick and thin, I love you both very much (two red hearts emojis).”

Wala nang ibang sinabi pa si Daniel pero sapat na ito bilang kasagutan sa matagal nang haka-haka na hiwalay na sila dahil wala silang larawang tatlo na magkakasama noong Pasko at Bagong Taon.

Noong December 24 ay nag-post ang car racer ng larawan nila ng anak sa tabi ng kanilang Christmas tree na ang caption ay, “Merry Christmas @iamzoemiranda.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_)

 

Larawan ng magulang at ni Zoe naman ang pinost ni Sofia na kasama niya noong Bagong Taon by posting, “Happy New Year to all” sa tabi ng kanilang Christmas tree.

Obviously, pamilya ng aktres ang kasama niya noong magpalit ng taon at ang anak na si Zoe at wala kaming nabasang bumati sa kanya si Daniel.

Mukhang recently lang nagkaroon ng gusot sina Daniel at Sofia dahil noong kaarawan pa ng una noong December 15 ay bumati pa ang aktres by posting pictures ng mag-ama at ang caption niya.

“At the end of the day, I’m blessed and I’m grateful for what YOU have given me.

Family (emojis praying hands).”

Anyway, wala naman sigurong kinalaman ang programang “Iron Heart” na isa si Sofia sa lead star bilang partner ni Jake Cuenca na wala namang eksenang intimate ang dalawa para pagselosan ni Daniel.

Hmm, feeling namin baka kasi laging wala si Sofia sa tabi ni Daniel dahil lock in tapings sila ng “Iron Heart” sa Cebu.

Sana magka-ayos pa sina Daniel at Sofia dahil wala namang nag-post sa kanila na sinukuan na nila ang isa’t isa kaya ibig sabihin, may pag-asa pa.

Related Chika:
Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andre

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#SanaAll: Sofia Andres ipagagawa na ang dream house para sa pamilya

Sofia maraming realizations magmula nang isilang si Baby Zoe: I can give so much love pa pala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending