Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres Bandera

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres

Therese Arceo |December 08,2021
share this

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres

Therese Arceo December 08, 2021 - 10:42 PM

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres

LABIS ang pangungulila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang mga anak na sina Zia at Sixto.

Ito kasi ang unang pagkakataon na mawawalay siya sa kanyang chikiting nang matagal na panahon ngunit kahit na ganu’n ay masaya pa rin ang aktres dahil minsan lang dumating ang oportunidad na maging bahagi ng pinaka-prestigious beauty pageant sa buong mundo, ang Miss Universe.

Napili kasi si Marian bilang isa sa mga selection committee ng ika-70th edition ng Miss Universe kaya naman lumipad ito pa-Israel kasama ang asawang si Dingdong Dantes noong December 6.

Habang nasa byahe papuntang Eilat, Israel ay hindi inaasahan ni Marian na makakasabay niya sa kaniyang flight sina Sofia Andres, Daniel Miranda, at ang cute na cute nilang anak na si Zoe na papunta naman sa Spain.

Sa Instagram story ni Sofia Andres ay makikita si Marian na buhat buhat ang kanilang baby Zoe.

“I won’t lie, I’m stunned @marianrivera. Thank you for this ate!” saad ni Sofia.

Ni-repost naman ito ni Marian at sinabing “Aww. With super cute baby Zoe… (heart emoji) Namiss ko tuloy ang mga anak ko (crying emoji)”

Si Marian ang pangsampung Pilipino na naging parte ng selection committee. Una na rito ay sina Carlos P. Romulo (1974), Josie Natori (1989), Kuh Ledesma (1991), Don Emilio Yap (1994), Lea Salonga (2011), Manny Pacquiao (2014) at Pia Wurtzbach (2017), Monique Lhuillier at Richelle Singson-Michael (2018).

Gaganapin naman sa December 12 (December 13 sa Pilipinas) ang pinakaaabangang 70th Miss Universe coronation night.

Related Chika:
Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending