Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko | Bandera

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Ervin Santiago |June 15,2021
facebook
share this

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Ervin Santiago - June 15, 2021 - 09:06 AM

NAKAPAG-RECHARGE na ang original Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kamakailan matapos magbakasyon ng ilang araw kasama ang dalawa nilang anak.

Bukod dito, proud ding ibinandera ng mag-asawa na naturukan na sila ng unang dose ng COVID-19 vaccine kasabay ng panawagan sa lahat ng Filipino na magpabakuna na rin kapag nabigyan ng chance.

Naging usap-usapan ang ilang araw na pananahimik ni Marian sa social media at kung anu-anong ispekulasyon ang naglabasan tungkol dito. May nagsabing baka raw may pinagdaraanan ang aktres kaya hindi nagpaparamdan sa socmed at may nanghula naman na baka raw buntis na uli siya.

Sa nakaraang virtual media conference para sa 3rd anniversary ng “Amazing Earth” natanong si Dingdong kung ano ba talaga ang dahilan ng pamamahinga ng asawa niya sa social media.

“I think siya ‘yung pinaka-best na sumagot niyan. But kami as a family, maganda rin minsan you take a step back, you relax, you evaluate and ano lang, parang chill ka lang muna.

“Kapag recharged ka na, kapag energized ka na ulit, sabak ka na ulit,” pahayag ng aktor at TV host.
Dagdag pa niya, “Minsan kinakailangan talaga ‘yun pampalakas ng katawan, pampalakas ng isip, pampalakas ng kaluluwa.”

Sa panayam naman ng GMA kay Marian, inamin niyang talagang umiwas muna siya sa socmed habang nagbabakasyon ang kanilang pamilya.

“Nagpapasalamat din ako sa asawa ko, sabi niya, ‘siguro, Mahal, kailangan nating makahinga nang konti.

“So ayon nagkaroon kami ng konting bakasyon, nagpahinga muna sa social media para namnamin namin ang bawat segundong kasama namin ang isa’t isa at kasama namin ang mga anak namin.

“Alam namin gustung-gusto nila makalabas, lalung-lalo na si Zia. Siyempre, nag-school siya before parang ang dami pa rin niyang question, ‘kelan aalis ang COVID?’ Kelan daw siya makaka-ganito, ganyan..At least, kahit sa maikling panahon naigala at naipasyal namin sila,” sey ng celebrity mom.

Samantala, natanong naman si Dingdong sa presscon ng “Amazing Earth” kung ano pa ang bago niyang nadiskubre kay Marian habang naka-quarantine ngayong pandemya.

“Ang masasabi ko lang, napakasuwerte ko na siya talaga ang naging asawa ko kasi talagang ginamit namin itong oras together and we’ve been so busy as individuals for the past siguro ako 20 years, siya siguro 12 years sa pagiging active in show business.

“Ito lang talaga ‘yung naging oras namin para ma-enjoy ‘yung company ng bawat isa much more, ma-enjoy ‘yung company ng kids,” chika ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Mas lumabas ‘yung pagiging mapag-alaga niya, pagiging patient and overall super mom to us and to the kids of course. That’s why masasabi kong sobrang suwerte ko talaga sa kaniya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending