Derek Ramsay, Aga Muhlach natakot, napatili sa 'ipis prank' ni Ellen Adarna: 'Pinakaayaw ko yun pare! Mamamatay ako!' | Bandera

Derek Ramsay, Aga Muhlach natakot, napatili sa ‘ipis prank’ ni Ellen Adarna: ‘Pinakaayaw ko yun pare! Mamamatay ako!’

Alex Brosas |August 29,2023
facebook
share this

Derek Ramsay, Aga Muhlach natakot, napatili sa ‘ipis prank’ ni Ellen Adarna: ‘Pinakaayaw ko yun pare! Mamamatay ako!’

Alex Brosas - August 29, 2023 - 07:37 AM

Derek Ramsay, Aga Muhlach natakot, napatili sa 'ipis prank' ni Ellen Adarna: 'Pinakaayaw ko yun pare! Mamamatay ako!'

Aga Muhlach, Derek Ramsay at Ellen Adarna

IBA rin palang mag-prank itong si Ellen Adarna.

Nasa golf course kasi ang dyowa niyang si Derek Ramsay kasama si Aga Muhlach. They were playing golf kaya naman naisipan ni Ellen na i-prang ang mga ito.

Ang nakakaloka, ipis prank ang ginawa ni Ellen, bagay na ikinagulat talaga nina Derek at Aga dahil sobra pala ang takot at pandidiri nila sa ipis.

Ang ginawa ni Ellen, naglagay siya ng fake na ipis sa golf cart ng dalawa.

Baka Bet Mo: Utol ni Aga na si Andrew Muhlach hirap na hirap mag-maintain ng katawan: ‘Tabain kasi ako, e… papayat-tataba-papayat-tataba’

Actually, hindi naman ito agad-agad na napansin nina Derek at Aga. And when they finally saw it, talagang napasigaw at napatalon ang dalawang actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Sa short video, nakitang nagsalita pa si Aga na nagsabing, “Pinakaayaw ko yun pare! Mamamatay ako sa ipis!”

Interestingly, ang caption ni Ellen sa video ay, “Panis ang lalake sa ipis.”

Iba rin talagang mag-prank itong si Ellen, ha! Talagang wala siyang pinipili. Pero ang maganda rito, hindi naman napikon ang dyowa niyang si Derek at maging si Aga na rin.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinrank ni Ellen ang asawa ng pekeng ipis.

May iba pa akong napanood na video ng celebrity couple kung saan tuwang-tuwa pa si Ellen nang mapasigaw at mapamura pa ang kanyang mister nang iabot nito ang fake na ipis.

Jolina Magdangal naloka sa request ng anak; nagtahi ng damit para sa ipis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel bubuka-bukaka sa vlog, sinita ni Zanjoe: Isara mo raw, nakikita ‘yung b***og mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending