Derek dinenay na may pino-promote na shampoo sa TikTok

Derek Ramsay dinenay na may pino-promote na shampoo sa TikTok: I do not endorse this product!

Pauline del Rosario |May 22,2023
facebook
share this

Derek Ramsay dinenay na may pino-promote na shampoo sa TikTok: I do not endorse this product!

Pauline del Rosario - May 22, 2023 - 12:20 PM

Derek Ramsay dinenay na may pino-promote na shampoo sa TikTok: I do not endorse this product!

PHOTO: Instagram/@ramsayderek07

ITINANGGI ng aktor na si Derek Ramsay na may ineendorso siyang shampoo sa video-sharing platform na TikTok.

Ang tinutukoy niya ay ‘yung produktong “Hosoku Minoxidil” na epektibo umano sa pagpapalago ng buhok.

Ayon pa sa caption ng produkto, ito ang naging sikreto ni Derek kaya nag-transform siya from bald to thick hair.

Bukod diyan ay ipinaskil din ang video ni Derek na kung saan ay todo-promote siya sa nasabing shampoo.

Pero mukhang nakarating naman kaagad ito sa aktor at ibinalita sa madlang pipol na hindi niya ito ine-endorso.

“I just want to inform you that I do not endorse this product,” sey niya sa ibinanderang Instagram Story.

Nilinaw din niya na ang nasabing video ay kinuha lamang sa pino-promote niyang “Belo” shampoo.

Sey niya, “@bestpricefinds on TikTok is using this video of me talking about Belo shampoo.”

Baka Bet Mo: Derek Ramsay hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd Cruz: ‘But I love him like he’s my own’

Hindi ito ang unang beses na may artistang nabiktima ng ganitong klaseng modus.

Matatandaan noong nakaraang buwan lamang ay tila naloka ang social media influencer at singer na si Saab Magalona matapos magsumbong ang isang netizen na nasa ibang bansa.

Paano ba naman kasi, ang kanyang litrato ay ginagamit na walang paalam at inilagay pa sa kahon ng isang whitening cream.

Ibinandera mismo ni Saab ang screenshot ng conversation nila ng netizen at ipinakita pa ang nasabing beauty products na binebenta sa Cambodia.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga

Joy Reyes itinanggi ang paratang bilang ‘third party’ sa hiwalayang LJ-Paolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending