Joy Reyes itinanggi ang paratang bilang 'third party' sa hiwalayang LJ-Paolo | Bandera

Joy Reyes itinanggi ang paratang bilang ‘third party’ sa hiwalayang LJ-Paolo

Therese Arceo |September 04,2021
facebook
share this

Joy Reyes itinanggi ang paratang bilang ‘third party’ sa hiwalayang LJ-Paolo

Therese Arceo - September 04, 2021 - 12:25 PM

MARIING itinanggi ni Joy Reyes ang pagkakasangkot nito sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis.

May mga netizens kasi na tahasang pinaratangan ang dating live-in partner ni Jomari Yllana na diumano’y third party kaya tuluyang nasira ang pagsasama nina LJ at Paolo.

Comment ng isang netizen sa kaniyang IG post, “Ikaw nga ung sa blind item.”

“How can I be the 3rd party when they are spotted together somewhere and I am here in QC thinking about all the bills and other necessities that father of the baby boyd is not paying on time or not paying at all,” matapang na reply nito.

Sey pa ng isang netizen, “Trending ka gurl. Ikaw daw ung 3rd party. Hope its not true. Kawawa lahat ng kids.”

“That’s ridiculous. I don’t knoe them personally,” sagot niya.

Isang netizen rin ang nagreply sa nasabing comment at sinabing, “I really hope so mam. Because I look up to you for being so strong despite of everything.”

To the rescue naman ang bestfriend ni Joy para protektahan ang pinagbibintangang kaibigan sa isa pang comment ng netizen na nagtatanong kung siya nga ba ang third party sa pinag-uusapang hiwalayan.

“Hi! Good day. Joy and i are bestfriend. The answer to ur question is, no. Hindi magkakilala c joy at paolo.”

Reply naman ng netizen, “not magkakilala but why nka follow po kay contis?”

Agad namang nagreply ang nasabing bestfriend at sinabing, “What i mean is hindi sila personally magkakilala. If you notice marami celebrity pinafollow c joy”

May isang netizen rin na nag-akusa kay Joy na siya ang third party na pinupuntahan ni Paolo Contis at nag-oovernight pa raw ang aktor sa bahay nito.

Dagdag pa nito, “Nabanggit din ito kc yan ni Jomari nung may issue si girl sa naputulan ng meralco ang house nila. Nasabi un name ni Paolo na nagpupunta sa place ni girl.”

Agad namang pinabulaan ni Joy ang comment at sinabing,” Not true po. And Jomari Yllana is already facing a Cyber Libel case because of that… On top of the VAWC case for all the abuse.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan na inakusahan ni Joy ng hindi pagtupad sa tungkulin ang aktor na naging mitsa ng pagkaputol ng kanilang kuryente na umabot sa mahigit P100 thousand ang bill.

Dito ay kinuwestiyon ng aktor kung paano naging ganoon kalaki ang bayarin at nabanggit ang diumano’y pagpapapunta ni Joy ng lalaki sa bahay na siya rin ang nagbabayad ng renta pero hindi naman pinangalanan ng aktor kung sino ang mga male celebrities na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending