Derek Ramsay hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd Cruz: ‘But I love him like he’s my own’
HINDI “stepson” ang turing ng hunk actor na si Derek Ramsay sa anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Crus na si Elias Modesto.
Ipinagdiinan ni Derek na mahal na mahal niya ang bagets na parang tunay niyang anak at ginagawa raw niya ang lahat pati na ng kanyang asawang si Ellen para maging mabuti, masunurin at mapagmahal na bata si Elias.
In fairness naman kay Derek, hindi pa sila kasal ni Ellen ay talagang ipinakita na niya sa bata ang kanyang unconditional love. Ito’y base na rin sa mga isine-share nilang photos and videos sa social media.
“I hate using the word stepson. I think he’s my son,” ang pahayag ng aktor sa isang panayam kamakailan.
Pero palagi namang sinasabi ni Derek na wala siyang planong palitan si John Lloyd bilang tunay na ama ni Elias.
Hindi rin daw siya nakikipagkumpetensiya kay Lloydie sa pagiging tatay dahil ang nais lamang niya ay mabigyan ang bata ng isa pang father figure kapag magkakasama sila ni Ellen.
“I don’t want to disrespect John Lloyd. He’s the biological father and I’m always going to be second best to John Lloyd. But I love him like he’s my own,” sabi pa ni Derek sa naturang panayam.
Nauna nang sinabi ni John Lloyd na wala rin siyang masasabing masama kay Derek bilang stepfather ni Elias. In fact, nagpapasalamat pa nga siya sa asawa ng dati niyang partner dahil sa pagmamahal nito kay Elias.
“I wish them both a strong and fun marriage kasi vital ‘yon sa welfare at sa growth ng anak ko.
“Ang ganda ng ginagawa ni Derek para sa anak ko. Four years old pa lang siya pero parang matured na,” ang sabi pa ni Lloydie base sa interview ng entertainment vlogger na si Ogie Diaz.
“Kung hindi ganu’n si Derek, hindi ko alam kung anong ugali ngayon ni Elias.
View this post on Instagram
“Maganda rin na nandoon si Derek kasi naiintindihan ako ni Derek bilang tatay din siya,” ang papuri pa raw ni John Lloyd kay Derek.
Kamakailan, sinabi ni Derek na “semi-retired” na ang status ng career niya sa showbiz, “I’m really enjoying family. Ngayon talaga I’m really bonding with Elias, with my wife Ellen.”
Samantala, nag-celebrate naman sina Derek at Ellen ng kanilang first wedding anniversary sa Lima, Peru. Sa November 11 pa talaga ang anibersaryo ng kanilang kasal pero in-advance na nila ang selebrasyon.
Sa Instagram post ni Ellen, sinabi nito na halos 26 hours ang itinagal ng kanilang flight patungong Lima. Aniya sa caption, “Day 1. #tourists @ramsayderek07 we need to learn how to be influencers in the wild. I need to train my husband to be an influencer in the wild photographer.”
Kuwento pa ng dating sexy star, ang pagbabakasyon nila sa Peru ay ang surprise wedding anniversary gift niya kay Derek. Isa raw kasi ito sa dream destination ng aktor.
Last March naman, nagtungo ang mag-asawa sa Africa for their safari honeymoon. Kasama nila sa pagpunta roon si Elias.
John Lloyd humanga kay Derek dahil magandang impluwensiya sa anak nila ni Ellen: OK kaming lahat
Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu
John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.