John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias | Bandera

John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias

Ervin Santiago |June 28,2021
facebook
share this

John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias

Ervin Santiago - June 28, 2021 - 10:49 AM

SIGURADONG super happy ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto na nag-celebrate ng kanyang 3rd birthday kahapon, June 27.

Balitang dalawang selebrasyon ang naganap para sa kaarawan ng bata
— nakasama ni Elias ang amang si John Lloyd sa isang party na dinaluhan ng ilan sa malalapit na tao sa kanilang buhay.

Sinundan ito ng isa pang celebration kung saan present naman ang nanay ng bagets na si Ellen kasama ang fiancé nitong si Derek Ramsay at ang kanilang pamilya at ilang mga bisita.

Makikita sa mga litratong ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram account ang Spider-Man-themed party ng anak kung saan nakasuot pa ng costume si Elias inspired by the Marvel superhero.

“Happy birthday, my [love],” ang maikling caption na isinulat ni Ellen sa kanyang IG post.

May mga litrato rin sina Ellen at Derek na nakikipagkulitan sa birthday celebrator na talagang enjoy na enjoy sa kanyang simpleng party. 

Sa isang video naman, mapapanood ang pagkanta nina Ellen ng “Happy Bitthday” kay Elias habang hawak ang Spider-Man cake katabi si Derek na busy naman sa pagkuha ng video at litrato.

Samantala, Spider-Man din ang theme ng ibinigay na birthday party ni John Lloyd sa anak. Ilang litrato rin ang nakita namin sa social media kung saan makikitang enjoy na enjoy ang bagets sa mga pa-games.

Ayon sa ilang comments na nabasa namin, nagkasundo sina Ellen at Lloydie na bigyan ng magkahiwalay na party ang kanilang anak para kahit paano’y mapasaya ito sa kanyang kaarawan.

Naging maingat naman daw ang lahat ng dumalo sa nasabing selebrasyon at istrikto ring ipinatupad ang health protocols sa venue at sa lahat ng mga dumalo na puro mga kapamilya rin daw nila.

Bago ito, nag-bonding na rin sina Lloydie at Elias noong 38th birthday celebration ng aktor last week kung saan nagpunta pa sila sa isang beach resort.

Nag-post pa nga sa Instagram ang kaibigan at manager ni Lloydie na si Maja Salvador ng isang video ng bonding moment ng mag-ama sa beach. Aniya sa caption, “HBD @johnlloydcruz83. Napakaswerte ni Elias… napaka swerte namin. Mahal ka namin.”

Noong 2019 naghiwalay sina Lloydie at Ellen, mahigit isang taon makalipas isilang si Elias. Maayos naman ang “co-parenting setup” ng dating magdyowa para sa kanilang anak.

“Si John Lloyd, present father. He wants to be present. Elias needs his father as much as he needs me,” sabi ng aktres sa isang panayam.

Sabi naman ng aktor, mahirap na masaya pala talaga ang maging magulang, “Parang pangpelikula lang pala yung ano, ‘yung parang nalaman mo parang, ‘Magiging tatay na ako!’ 

“Para sa akin hindi. I mean, kung ano ‘yung nangyari sa akin, hindi. To each his own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin, we wanted it, eh. Alam naman na namin na it was going to happen,” pahayag ni Lloydie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong taon naman inaasahang magaganap ang kasal nina Ellen at Derek matapos ang kanilang kontrobersyal na engagement recently.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending