John Lloyd humanga kay Derek dahil magandang impluwensiya sa anak nila ni Ellen: OK kaming lahat Bandera

John Lloyd humanga kay Derek dahil magandang impluwensiya sa anak nila ni Ellen: OK kaming lahat

Reggee Bonoan |September 07,2022
share this

John Lloyd humanga kay Derek dahil magandang impluwensiya sa anak nila ni Ellen: OK kaming lahat

Reggee Bonoan - September 07, 2022 - 10:48 PM

John Lloyd Cruz, Elias, Ellen Adarna at Derek Ramsay

INAMIN ni John Lloyd Cruz na sobrang hanga siya kay Derek Ramsay, ang asawa ni Ellen Adarna na ina ng anak niyang si Elias Modesto.

Marami raw kasi itong magagandang traits na itinuturo sa anak nila ni Ellen dahil nakikita niya ito sa ugali ng bagets.

Naikuwento ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na nakausap niya si JLC sa ginanap na 65th birthday party ni Direk Bobot Mortiz.

Napansin ng dalawang content creator na kahit saan magpunta si Lloydie ay nakasunod sa kanya si Elias at walang kasamang yaya. Hands on daw ang aktor sa pag-aalaga sa anak kapag nasa kanya ito.

Bungad ni Ogie, “Saglit ay nakausap namin si John Lloyd Cruz (walang video), sabi ko, ‘ang guwapu-guwapo ni Elias. Dagdagan mo na ‘yan.”

“Sagot sa akin, ‘Naku Ogs, bahala na.'”

Balik-tanong daw ni Ogie na good thing okay sina Lloydie at Ellen pagdating kay Elias.

“Oo naman, kapag gusto kong hiramin ‘yung anak ko, nahihiram ko naman,” sagot daw ni John Lloyd.

At dito na inamin ng aktor na magandang nandoon si Derek, “Kasi naiintindihan ako ni Derek (pareho silang may anak na lalaki) bilang tatay din siya. Ang ganda rin ng ginagawa ni Derek para sa anak ko. Four years-old palang ‘yan Ogie (pero) matured.


“So malaking bahagi rin daw si Derek kung bakit ‘yung anak niya ay lumalaking responsible at maraming alam na sports. Tinuturuan kasi ni Derek ‘yan di ba?” aniya.

Sabay pakita ng mga video na naglalaro ng golf sina Elias at Derek, nagka-camping by the beach.

“Kita naman sa video kung anu-ano ang itinuturo ni Derek kay Elias kahit hindi niya ito kadugo at stepson niya.

“Sabi pa sa akin ni John Lloyd, ‘okay naman kami. Wala naman kaming problema ni Ellen basta pagdating kay Elias, co-parenting talaga kami at nadagdagan pa, mayroon pa siyang isang tatay, si Derek,” kuwento pa ni Ogie.

Say naman ni Mama Loi, “Ang sweet ni Lloydie ‘no to acknowledge rin ‘yung role ni Derek kay Elias ‘nay ‘no?”

“Oo, sabi nga niya (JLC) sa akin, ‘kung hindi ganu’n si Derek, e, baka hindi ko alam kung ano ang ugali ngayon ni Elias.’ Kaya tinangnan mo ‘yung bata, di ba kahit saan siya magpunta sunud ng sunod,” saad pa ni Ogie.

“Oo nga parang anino, hindi nawawala saka pag may gusto siya sinasabi niya sa daddy niya tulad nu’ng hotdog kuha ng kuha si John Lloyd kasi nawawala na (kinakain ni Elias),” obserbasyon ni Mama Loi.

“Korek saka ‘yung closeness ni John Lloyd sa kanyang anak very evident. Kasi kung hindi ‘yan, maghahanap ‘yan or ‘doon na ako sa mommy ko,’ sasabihin ni Elias ‘yan,” aniya pa.

In fairness din naman kay Ellen ay hindi niya itinago o ipinagkait kay John Lloyd ang anak nila kaya malapit ang bagets sa tatay nito at sabi nga mature na kaya gets na ni Elias na dalawa ang papa niya na pareho niyang playmate sa magkaibang paraan.

Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu

Derek love na love ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias: Happy birthday, son! Love you so much!

John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending