Daniel bubuka-bukaka sa vlog, sinita ni Zanjoe: Isara mo raw, nakikita ‘yung b***og mo! | Bandera

Daniel bubuka-bukaka sa vlog, sinita ni Zanjoe: Isara mo raw, nakikita ‘yung b***og mo!

Reggee Bonoan |September 27,2021
facebook
share this

Daniel bubuka-bukaka sa vlog, sinita ni Zanjoe: Isara mo raw, nakikita ‘yung b***og mo!

Reggee Bonoan - September 27, 2021 - 04:39 PM

Zanjoe Marudo, Daniel Padilla at Hyubs Azarcon

MAY bagong libangan ngayon si Daniel Padilla, ang paglalaro ng golf at posibleng naimpluwensiyahan siya ni Zanjoe Marudo na mahigit isang dekada nang naglalaro nito.

Tanda namin noong nagsimula siya ng kanyang Z-Cup golf tournament ay karelasyon pa niya noon si Mariel Rodriguez na punong-abala sa pag-organize sa lahat.

Sa YouTube channel ni Zanjoe na may titulong “A Daniel Day Padilla” ay nagkakuwentuhan sila nina Hyubs Azarcon, isang non-showbiz friend at ni DJ.

Mukhang hindi nanalo sina Daniel at ang partner niya dahil sinagot niya ng, “Hindi na importante ‘yun.  Ang importante nag-enjoy tayo, di ba?”

“Nag-enjoy ka ba?” tanong ni Zanjoe sa kapwa aktor.

“Nag-enjoy ako pare kahit hindi pinalad sa mga palo (tawag sa paglalaro ng golf), e, at least first time na tayong magkasama after all these years na inimbitahan n’yo akong mag-golf (kinamayan siya nina Hyubs at Zanjoe), di ba?  Now, reality na siya, so, I’m very happy kanina. I think I was just too excited,” say ni Daniel.

Nagkatawanan naman sina Zanjoe at Hyubs dahil napa-English si DJ. Sabi ni Z, “English too excited talaga! Conyo kid.”

“Oo, I was too excited to make palo, pare,” tonong may yabang na sabi ng aktor.

Hirit ni Hyubs, “Pero nag-enjoy ka sa golf?”

“Sobra! Ano na siya, form of meditation, eh,” sambit ni DJ.
Sundot uli ni Hyubs, “Bakit?”

Tanong din ni Zanjoe, “Gusto mo na nga?”

“Gusto ko na talaga ‘yung golf.  Medidation na siya sa akin ‘tol, eh,” saad ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Dalawang buwan palang nagsisimulang maglaro ang aktor, “Matagal na rin, o baka masyado pang maagang sabihin na gusto ko na, pero now gusto ko talaga.”

Hindi alam ni Daniel na inoobserbahan pala siya ni Zanjoe, “Bale sa nakita ko kanina sa laro niya, sa palo niya parang hindi siya two months.” Dagdag pa niya, “fast learner.”

Say naman ni Hyubs, “For a rookie like you, pare! Ha-hahaha!” At natawa rin si Daniel sa komento sa kanya.

“Bakit mo nga nagustuhan kasi maraming hole?” tila may malisyang tanong ni Hyubs na ikinatawa ni DJ.

“Saka magandang ano siya, sabi ko nga form of meditation, relaxation.  Saka pag nandoon ka, escape siya, di ba? Escape sa lahat ng iniisip mo,” paniniwala ni Daniel.

At dahil bubuka-bukaka si Daniel ay sinabihan siya ni Zanjoe, “Isara mo raw, nakikita ‘yung betlog mo.”

Tumalima naman kaagad si DJ, tumayo at ibinaba ng konti ang short at inayos din ang underwear nito kaya tawa naman nang tawa sina Zanjoe at Hyubs.

“Ha-hahaha! ‘Wag mo ilagay ‘yun pare,” sabi ng bida ng “House Arrest of Us.”

Anyway, ang paliwanag ni Z kaya niya nagustuhan ang paglalaro ng golf ay dahil hindi parehas kung ano ‘yung nilaro mo sa ibang parte, “Iba-iba ‘yung hole, iba ‘yung course, iba-iba ‘yung challenge.  ‘Yung ibang nilalaro nating sports, laging ganu’n lang. Tao kasi ‘yung kalaban mo, ito wala.”

At sinabihan ni Zanjoe si Daniel na tama ‘yung desisyon nitong maglaro. Sagot naman ng binata, “Naging magandang practice sa akin ang golf kasi dati kapag ako walang ginagawa normal na araw sa akin, e, gumising nang tanghali.  Pero because of golf pare natuto akong (gumising ng maaga).

“Puwede ka namang mag-golf sa hapon pero magdudusa ka sa init ng araw.  So, gigising ka ng alas-singko (madaling araw).  ‘Yung disiplina kasama sa golf.  Saka matatapos ka alas-dos, puwedeng mayroon ka pang gawin, di ba?” paliwanag ni Daniel.

Bukod pala kay DJ ay naimpluwensiyahan na rin nina Zanjoe at Hyubs sina Joshua Garcia at Patrick Sugui.

Nabanggit pa na kapag may taping sila kinabukasan ay okay lang magpuyat sila, pero pag naglaro ng golf ay hindi puwede dahil mahirap kumilos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang nakunang video ni DJ habang pumapalo na hindi raw ie-edit sabi ni Zanjoe na ipo-post niya sa kanyang YT channel soon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending