Ellen Adarna binatikos ng netizens ukol sa pamimigay ng tickets sa concert ni Taylor Swift sa Singapore | Bandera

Ellen Adarna binatikos ng netizens ukol sa pamimigay ng tickets sa concert ni Taylor Swift sa Singapore

Therese Arceo |August 19,2023
facebook
share this

Ellen Adarna binatikos ng netizens ukol sa pamimigay ng tickets sa concert ni Taylor Swift sa Singapore

Therese Arceo - August 19, 2023 - 11:24 PM

Ellen Adarna binatikos ng netizens ukol sa pamimigay ng tickets sa concert ni Taylor Swift sa Singapore

MARAMI ang bumabatikos ngayon sa dating aktres na si Ellen Adarna matapos niyang ianunsyo sa Instagram page ng kanyang business kung paano mananalo ng tickets sa concert ni Taylor Swift.

Karamihan sa mga fans ng international singer-songwriter ay na-offend at hindi magustuhan sa tila paggamit ng pangalan ng kanilang idolo para pagkaperahan.

Matatandaang una nang inanunsyo ni Ellen na mamimigay siya ng tickets para sa Eras Tour concert ni Taylor na magaganap sa Singapore sa darating na Marso.

Kaya naman marami ang na-excite at agad na nag-follow sa social media pages ng kanyang negosyo.

Ngunit agad ring nadismaya ang mga tao nang ianunsyo na sa social media page ng business ni Ellen kung paano magwawagi ng ticket.

Kinakailangan raw muna kasing bumili ng kanyang produkto na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libo para magkaroon ng entry sa raffle na may 15,000 slots.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna proud maging ‘Swiftie’, mamimigay ng Taylor Swift concert tickets

Bukod rito 2 weeks lang rin bago ang allowance sa date ng concert ang pag-anunsyo nila ng mananalo kaya todo reklamo ang iba dahil mahirap nang mag-book ng flight at accommodation kung sakali.

Umani rin ng samu’t sariling komento mula sa madlang pipol ang naturang mechanics ng ticket giveaway ni Ellen.

“Ito yung ayaw ni Taylor. Na pag kitaan ang tix niya. I-report natin ‘to sa ticket master or taylor nation,” saad ng isang netizen.

Depensa naman ng isa sa negosyo ni Ellen , “Galit na galit yung iba. Huhuhu Kung di niyo bet magpurchse edi don’t. Nag expect din kayo masyado kasi. Nagbubusiness yung tao, marketing strat niya yan. At hindi lamg naman sya ang gumagawa ng ganyang strat.”

“LMAO. Patawa kayo. Gagastos kami ng 3120 pero 2 tix lang naman ang ibibigay niyo? Tapos 15000 slots? Lol. So income niyo for this ay P46,800,000? Ok lang kayo? Pero kudos tho. Nice marketing strat,” sey naman ng isa pa.

Hirit naman ng isang netizen kay Ellen, “No, thanks! May hidden agenda naman pala. Okay, bye!”

Wala pa namang pahayag si Ellen hinggil dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ellen Adarna ‘pinarurusahan’ din si Elias kapag nagkakamali at nagiging pasaway, pero hindi naman daw namamalo

Ellen Adarna umaming na-insecure kay Kristine Hermosa, napanganga nang makita sa personal: ‘What the hell?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending